Chapter 23

761 60 11
                                    

Suffering


"It's been three days since she refused to talk. Just give her time, Garnet."

"I'm worried, Headmistress."

"She's strong. She can handle these."


Nakatulala kong tiningnan ang imahe ng mga kaibigan kong papaalis ng kwarto. I know they're doing everything to comfort me.

They're doing their best to bring me back to the way I used to but I couldn't.

Malabo nang mangyari ang bagay na 'yon.

Each day turned hard for me. I couldn't find my old self anymore.

I was always stuck staring at the ceiling wondering why things ended up this way. Hindi ko makuha yung tamang rason kung bakit kailangan pang madamay ang pamilya ko.

I am doing all the sacrifices for them, not minding how many times I fell down just because I'm doubting myself. I never gave up—just to give them the life they deserve yet, those things I've done suddenly became useless.

Vesper was right all along. You'll lose the will to fight the moment you lose your precious ones.

Similar to him, I forgot too what I am fighting for.

Nakatulala lang ako sa bintana habang walang prenong bumubuhos ang mga luha ko galing sa mga mata. I couldn't stop myself from crying no matter how much I tried to comfort myself.

Hindi mapapantayan ng kahit anong pisikal na sakit kung ano yung nararamdaman ko ngayon. I was mentally and emotionally drained.

It was beyond painful to the point that I wish to dissipate.

My dad once left me...Evander followed and now mom and Cosmic were no longer beside me too. They all left me.

Hindi ko na alam kung sino pa 'yong panghahawakan ko.

Sobrang sakit...Ang sakit sakit.

Hindi ko alam kung kailan huhupa ang nararamdaman ko. All the scenarios after their death are just repeated. Matutulog akong yakap ang picture frame nila at pagkatapos ay magigising habang naliligo sa sarili kong mga luha.

I couldn't bare the agony for so long. Unti unti akong pinapatay sa sakit.

Natatakot akong magising na lang sa isang araw na hindi ko na pala kaya.

Na hindi ko na kayang tumuloy.

Na dito na nagtatapos lahat.


They were always my source of strength. Pero sa puntong ito, hindi ko na alam kung saan at kanino ako kukuha ng lakas.

"Take my hand, Dasha. I promised I'll let you see them again." Kita ko ang pagod na namumutawi sa mga mata ni Vesper nang pumasok siya rito sa kwarto ko.

Napatitig ako sa kamay niyang nakaangat sa ere habang ramdam ko ang mainit na likidong nagbabadya na namang pumatak mula sa mga mata ko.

Natulala ako pero hindi niya pa rin ako sinukuan kahit na ilang beses ko pa man siyang itaboy.

"Trust me..." Ngumiti siya.

Lumipas ang mahabang minuto bago ko natagpuan ang sarili kong tinatanggap ang kamay niya.




Dahan dahan kong ipinikit ang mga mata ko pagkatapos habang unti unting umiikot ang paligid.

Hindi makapaniwalang tiningnan ko siya. Ibinalik niya ako kung saan nagsimula ang lahat. Mas lalo akong naiyak nang makita ko si Evander, ang nakababatang kapatid ko maging si mama na masayang nagtatawanan.

Deltha: Avenue of the EsotericTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon