Chapter 11

899 68 6
                                    

Trapped

I don't feel any type of pain because of what happened. Nawala na rin 'yong galos at sugat sa binti at braso ko. It was all because of President Death's ability. Pero sa tingin ko, hindi siya 'yong tipo ng tao na magbibigay ng tulong kung walang hinihinging kapalit. 

"A-Ano bang kailangan mo?"

He never shifted his gaze. Sapat na 'yong ilaw na nanggangaling mula sa apoy para makita ko na may iba siyang intensyon bukod sa tulungan ako.

"Tell me that thing you're hiding."

I was right all along. Ibabalik na naman niya 'yong nangyari kahapon. Hindi ko alam kung ano ba 'yong nakita niya at hindi niya ako tantanan sa kakatanong.

"Paano ba kita sasagutin kung hindi ko alam kung ano 'yong sinasabi mo?"

His emotions never changed because of what I've said. He remained nonchalant without cutting his stares on me.

"Confess it yourself."

Napailing na lang ako sa sinabi niya. No matter how much I proved myself to him, pinaghihinalaan niya pa rin ako. 

Does he want me to confess that I am a spy? Iyon ba ang tumatakbo sa isip niya?

"Bahala ka nga!" matapos kong sabihin iyon, sumandal ako sa puno para makapagpahinga. Seconds later, I felt like I was already running out of breath kaya mabilis akong napamulat. Hindi ko naman inaasahan na nasa harap ko na si President Death. He was intently looking at me so I took a gulp of air just to steady myself.

"A-Anong ginagawa mo?" nauutal kong tanong. 

Namilog naman ang mga mata ko dahil sa sunod niyang ginawa. He just poke my forehead kaya napahawak ako r'on. 

"Nothing, dwarf." Sinubukan kong gumanti sa kanya dahil masyado na akong napipikon. 

Pagalit kong kinuha ang dagger sa bulsa ko pero mabilis siyang nawala sa harapan ko. Nakakainis! Bakit ba ganito ang epekto niya sa akin?

Instead of minding his never ending doubts, hinayaan ko na lang ang sarili kong makapagpahinga nang maayos at makatulog kahit na masama ang loob ko. 

Hindi ko alam kung bakit hindi na siya nagsalita pa. He let me won. Mas nasunod 'yong gusto ko na matulog na lang kaysa makinig sa mga malalabong bagay na sinasabi niya.

Nang matamaan ng sinag ng araw ang mga mata ko kinabukasan, wala akong narinig na kahit ano. There were no traces of him and it's a good thing. I took that opportunity to escape and find the way out on my own.

Ngayong wala na akong nararamdamang kahit anong sakit, sigurado akong kaya ko na ang sarili ko. His help was already enough. Hindi na kailangang magsama na naman kaming dalawa dahil baka mabigyan na naman 'yon ng malisya.

I don't know where he went. Bagamat nagtataka, hindi na ako nag aksaya ng oras para hanapin siya.

It was another challenging day for me. It was already expected that I'll encounter other teams from different classes again. Napahinto ako sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang usapan ng dalawang babae. 

The other girl is kneeling and crying. I can't help but to imagine myself in her situation. I was once afraid too. 

"I told you to just quit. Why do you keep pushing yourself into something you're not belong?"

She can't do anything but to helplessly cry and the next thing she did doesn't surprise me anymore. She pressed the button and disappeared. 

Sunod sunod din ang naging paglabas ng malaking hologram. Isang araw na ang nakakalipas pero wala pa ring nakakahanap ng daan papalabas sa walang katapusang gubat na ito. 

Deltha: Avenue of the EsotericWhere stories live. Discover now