Chapter 4

1.1K 84 6
                                    

Dumb

Vesper was given a first warning for setting up a lie. The same thing happened to me. Napagsabihan din ako ni Headmistress Sonnata patungkol sa mga nangyari. I should be afraid of the consequences that I might face if I break another rule again.

I can't help but to feel guilty. Kung inamin ko na lang sana na wala akong nakita kay Vesper at hinarap 'yong kahihiyan ko, hindi na sana siya mapapatawag ni Headmaster Everhart.

Hindi pa kami nakakapgkita simula kahapon. He deserves an apology from me. Kung hindi niya ako tinulungan, hindi sana siya malalagay sa ganitong sitwasyon.

"Do you think your plans can fool me?" Hindi ako nakapagsalita sa sinabi ni President Death. Buong akala ko, nakaligtas na ako sa mga paalala ni Headmistress kanina pero hindi pa rin pala.

"I admit my mistake. Hindi na naman ako uulit," wika ko bago ipinagpatuloy ang pagdidilig ng mga bulaklak katulad ng madalas kong nakagawian tuwing umaga.

Muli kong binalikan 'yong gabi ng introduksyon ng mga bagong miyembro ng high class. Sa pagkakaalam ko, President Death doesn't have an ability to read minds kaya hanggang ngayon, nagtataka pa rin ako kung paano niya nalaman na nagsisinungaling lang si Vesper.

"What are you planning with him?" Muling tanong niya kung kaya't napatigil ako sa ginagawa ko.

"Wala."

"Really?"

Hindi ko alam kung ano pa ba ang patutunguhan ng usapan naming nito. It's already useless since nangyari na. Can he just forgive me? Besides, maski naman ako ay nagulat sa ginawa ni Vesper.

"He wouldn't lie if there were no other other reasons, dummy."

Sumama ang timpla ng mukha ko sa sinabi niya.

"Wala nga akong alam di'ba! Bakit ba ang kulit mo?"

Natahimik siya sa sinabi ko. Maski ako ay napapikit sa inis matapos kong mapagtanto 'yong mga salitang lumabas sa bibig ko.

Great! I'm doomed again. Naiinis ako sa sarili ko kung bakit ko nakalimutan kung sino 'yong kaharap at kausap ko ngayon.

"I'm sorry President Death. Hindi na ako uulit." Nakatungo kong sambit.

He didn't say anything. Buong akala ko ay aalis na siya pero nagkamali ako.

Namilog ang mga mata ko dahil sa sunod niyang ginawa.

He just touch those flowers and in just a snap, everything about here in this garden changes. Lahat ng mga halaman at bulaklak na mahigit isang linggo ko ng inaaalagaan ay nalanta at namatay lahat dahil lang sa simpleng hawak niya.

I don't know what's running on his mind. Pati mga halaman na walang kamalay malay ay dinadamay niya.

Walang pasabi siyang umalis sa harapan ko pagkatapos at iniwan akong naiinis.

"Come here..." Hinawakan ni Garnet ang kamay ko bago ako pinaupo sa tabi niya. We're inside her room. Dito ko pinipiling pumunta kung wala akong ibang ginagawa dahil siya lang naman ang palaging nakikisama sa akin.

"What's with that face again?"

Pinagmasdan niya ang buong mukha ko. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya na wala ako sa mood dahil sa pagkamatay ng mga halaman ko. I already apologized to President Death for my mistakes. Kasalanan niya na rin 'yon dahil niya tinanggap.

I'm starting to hate him.

"Are you thinking about your training with Phaedra tomorrow?"

Muling bumalik ang bagay na 'yon sa isipan ko dahil sa pagpapaalala niya. Hindi ako nakasagot. Pati sa pagsasalita ay parang nawawalan na rin ako ng gana.

Deltha: Avenue of the EsotericUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum