Chapter 27

786 51 0
                                    

Cure


I wasn't able to fall asleep no matter how much I forced myself to stop getting drowned by my thoughts.

Segu-segundo kong naaalala yung nangyari kanina at hindi na ata ako matatahimik dahil paulit ulit iyong nagpe-play sa utak ko.

The way his lips touched mine was still vivid. Hanggang ngayon, ramdam ko pa rin ang paghaharumentado ng buong sistema ko sa hindi malamang dahilan.

I know, it was just a kind of act. Hindi ko inakala na gan'on pala siya magbigay ng tulong.

Bigla bigla na lang nanghahalik ng wala man lang pasabi.

Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin bukas.

Will I just act clueless as if I already forgot what he did? Effective kaya iyon?

Napatigil ako sa pag iisip nang bigla na namang lumakas ang hangin sa loob ng kwarto kong ito. Mabilis kong inihanda ang sarili ko.

Will President Death be here? What does he want from me this time?

Ilang minuto ang lumipas pero walang lumitaw na kahit anino niya. Hindi ko alam kung bakit ako nakaramdam ng kaunting pagkadismaya.

I hate to admit that I was expecting for his presence. Hindi naman ako ganito dati. Ayoko pa ngang makita siya minsan noon dahil sinusungitan niya ako.

But this time, things were entirely different.

Nagdesisyon akong lumabas ng kwarto para magpahangin at magpaantok bago pa ako tuluyang mabaliw sa mga iniisip ko. Malamig ang simoy ng hangin nang makarating ako sa labas.

Halos liparin din ang mahaba at kulot kong buhok kung kaya't pinusod ko iyon para hindi maharangan ang mukha ko.

Pumitas ako ng mga alaga kong tulips pagkatapos at pumunta sa lugar kung saan ko nakita si Vesper noon—sa tapat ng isang ilog.

Whenever mom, Cosmic and Evander are right now, paniguradong magugustuhan nila ang bulaklak na ipapadala ko.

Tanaw ko ang dalawang pamilyar na pigura mula sa malayo.

Hindi ako nagkamali nang makarating ako sa kinaroroonan nila.

Coven and Vesper were both seated in the sands, laughing with each other while holding a bottle of liquor.

"Woah, you're here. You want to join us, my Dasha?" nakangiting alok ni Vesper at iniabot sa akin yung kaparehong bote ng alak na iniinom nila.

Medyo lasing na ito.

Tumanggi ako. Dahil bukod sa hindi ko gusto ang lasa ng iniinom nila, ayoko rin ang epekto noon.

The strange pain I'm feeling was already enough. Ayoko ng madagdagan pa iyon dahil baka hindi ko na kayaning dalhin ang sakit.

"What brought you here?" seryosong tanong ni Coven bago ko ipinakita sa kanila ang bulaklak na hawak ko.

Katulad ng ginawa ni Vesper noong una kaming magkita rito, pinaanod ko rin 'yon sa paniniwalang ang mga bulaklak na 'yon ay mapupunta sa tamang destinasyon.

Umupo ako sa tabi ni Vesper pagkatapos habang pinapanood ang mabagal na paglalayag ng mga bulaklak.

I let myself reminisce about those past scenarios before. I can't help but to realize how happy and content I am that time.

"Do you know what my sister told me?"

Napatigil ako sa pag iisip dahil sa boses na 'yon.

Awtomatikong napalingon kami ni Coven kay Vesper.

Deltha: Avenue of the EsotericWhere stories live. Discover now