Beginning

3.1K 121 14
                                    

Beginning

The clouds swirling up above yesterday seemed like a warning for the impending chaos. Ever since before, I always hated the multitude of silver and black hues. It made me feel imprisoned as if my decision no longer belongs to my hands.

I grew up with a pair of golden eyes, an indication that I was raised different. And in order to train the esoteric person like me, I was forced to move to a separate town.

At this time, rain began to fall, washing away the sand with the sudden cloudburst.

The next thing I knew, two officers were on my opposite side making sure that I'll ride the carriage. My hands and legs were trembling, but despite the fear, I sneaked at the window only to see my mom and little sister, crying and waving at me from afar.

Nawala lang ang buong atensyon ko sa kanila nang pagalit na takpan ng masungit na officer iyong bintana. He was wearing polyester short sleeve adult men suit and pants.

"I said five minutes was enough," he spoke with authority.

I was indeed afraid but this feeling of mine will double if this day was my last chance here.

"H-Hindi na ba ako makakabalik rito?" naiiyak kong tanong dahil walang kasiguraduhan kung ano iyong buhay na naghihintay sa akin sa syudad ng Deltha.

Wala akong naririnig na kahit ano tungkol r'on na para bang ang lugar na 'iyon ay sagrado. Maraming usap usapan ang kumakalat dito sa bayan ng Ortho pero hindi ko alam kung alin sa mga 'yon ang totoo.

I admit that I was a bit curious back then and I'm not expecting that I will be the one who will feed my own hunger. Hanggang ngayon, hindi pa rin matanggap ng sistema ko na isa akong high class. 

Everything seems surreal. Ni minsan, hindi ko itinuring ang sarili ko bilang kakaiba o mas nakakataas kumpara sa mga ordinaryong tao. 

The two officers didn't say anything as if they were strictly prohibited from having a conversation with me.

Habang papalapit kami sa aming destinasyon, mas lalong lumalamig ang simoy ng hangin. Nararamdaman ko na rin ang pagbigat ng talukap ng mga mata ko sa loob ng karwahe.

I did everything to stay awake but I didn't become successful. I lost my consciousness for a while and the next thing I knew, I heard an unfamiliar voice asking if I'm already awake.

Halos isang oras na rin pala magmula nang makatulog ako at mawalan ng malay.

Bagamat kinakabahan, sinubukan ko pa ring dumungaw para makita kung sino 'yong mga nag uusap usap. Bumungad sa akin ang mas ma-awtoridad na tindig at ayos ng isang matanda. He was wearing an all black suit at parang siya 'yong tao na magkakamali kang galitin.

Nagbigay siya ng senyales sa isa sa mga officer para puntahan ako.

"S-Saan mo ako dadalhin?"

Gusto kong pumalag pero alam ko sa sarili kong wala na akong ibang magagawa pa kung hindi ang sumunod ngayong nandito na ako sa teritoryo nila. Habang naglalakad sa mahabang pasilyo, hindi ko maiwasang mamangha kung gaano kaganda ang ayos ng headquarter nila.

Every area screams a modern design. Halos maliyo ako sa glasswall at kintab ng sahig habang naglalakad. Sumakay kami sa isang elevator pagkatapos at halos umabot ng isang minuto ang pagtaas namin sa sobrang laki ng lugar.

"S-Saan ba tayo pupunta?" Pag uulit ko sa dalawang officer na pumapagitna sa akin. Katulad ng nangyari kanina, para na naman akong nagtanong sa hangin dahil wala akong nakuhang kahit anong sagot mula sa kanila.

The whole place screams placidness as if making a noise will put you to harm.

Walang pasabi akong iniwanan ng dalawang officer sa isang babae. The woman was in her mid-40s. She was wearing a sophisticated black vintage dress. She looks unapproachable base sa tindig niya. Iisang eskpresyon lang ata ang mababakas sa mukha ng lahat ng mga tao rito.

Deltha: Avenue of the EsotericTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon