Chapter 3

1.2K 86 4
                                    

Saved

"How did you do that?" Nasa ilalim ako ng training ni Cascade nang muli na naman niya akong tanungin tungkol r'on sa nangyari sa pagitan namin ni Phaedra tatlong araw na ang nakalipas.

"Hindi ko alam."

That was the truth. Maski ako ay nahihirapan ding intindihin lahat ng nangyari.I felt like someone took over my body— the reason why I successfully hit her.

Walang kahit sinong nakakatalo sa kanya. At kung meron mang high class na papantay sa lakas ni President Death, siya 'yon.

"Are you trying to act fucking mysterious?" Nagsalubong ang kilay ko dahil sa sinabi niya.

He was here to train me. I wasn't informed na nandito rin siya para magalit kapag hindi ako nakakasagot sa mga tanong niya.

"Just train me. Wala akong panahon para sumagot sa mga tanong mo."

Habang tumatagal, parang nakukuha ko na rin 'yong mga ugali nila. I became annoyed easily. Dahil na rin siguro 'yon sa mga hindi ordinaryong tao na nakakasama ko rito.

Cascade shook his head out of annoyance. The next thing he did was to jump going to a fifth floor bulding. Mabilis siyang nawala sa paningin ko.

Bagamat namangha ako sa ginawa niya, mas nangibabaw pa rin sa akin ang inis. Wala pang dalawang oras magmula n'ong nagtraining kami pero iniwanan niya kaagad ako.

Isang tao pa lang ang nakapagbigay sa akin ng matinong training at si Vesper 'yon. Mabuti na lang din at nasundan 'yon dahil mahaba ang pasensya n'ong sumunod na high class na magte-train sa akin.

Coven wants me to learn about everything.

"I heard from the committee that our first mission will start this week. Take this." Ibinigay niya sa akin 'yong hawak niyang earpiece.

First time kong makahawak n'on kaya hindi ko alam kung paano gamitin. Instead of laughing and judging me, Coven didn't say any negative words aside from teaching me on how to use it properly.

"Anong mission?" buong pagtatakang tanong ko.

"To catch the daeva." Mas lalong kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"D-Daeva?"

"They were the evil high class who harmed humans."

Habang tumatagal, mas lalo kong napapatagtanto ang misyon ng organisasyon na binuo ni Headmaster Everhart. He was right all along. My presence here will be a help to protect my family. Kaya nararapat na mas pag igihan ko ang pag eensayo para makatulong din ako sa misyon na sinasabi nila.

Being a computer genius is part of Coven's supernatural intelligence. Ipinakita niya sa akin kung paano niya hina-hack 'yong mga security cameras sa tuwing my misyon sila. Aside from it, he was like a human dictionary. Naiintindihan din niya lahat ng uri ng lenggwahe kahit na hindi niya 'yon isa isang pinag aralan.

Mabilis din siyang kumilos at kaya niyang lumutang at tumalon mula sa mga matataas na gusali katulad ni Cascade. According to him, those skills were natural for all high class at matututunan ko rin daw 'yon kapag natapos ko ang lahat ng training.

I was too exhausted after the day ended. Maaga akong pinagpahinga ni Headmistress Sonatta para sa nakatakda kong pag eensayo kay Phaedra sa susunod na araw.

Hindi kami nakapagkita ngayon dahil ako na mismo ang kusang umiiwas sa kanya. Alam kong hanggang ngayon, mainit pa rin ang dugo niya dahil sa nangyari.

She was all fine according to Garnet kaya hindi ko na kailangan pang makunsensya. I have no intention of hurting her. All I did was part of the training just like what happened during our first encounter.

Deltha: Avenue of the EsotericWhere stories live. Discover now