Chapter 28

738 68 9
                                    

Dance

Limang syudad ang bumubuo sa Niveria. Ang Ortho, Syveria, Pardua, Dolomin at ang tagong syudad ng Deltha.

Matapos kaming lusubin, nagising na lang ako sa hindi pamilyar na lugar. Base sa usapang narinig ko mula kina Coven kanina, nandito kami sa pinakagitnang gubat na napapalibutan ng mga bundok at burol. 


Ang eksistensya ng lugar na ito ay burado na sa mapa. Sa tingin ko ay hindi na nila pa kami masusundan dito.

Nakahinga ako nang maluwag pero nahaluan pa rin iyon ng kaunting pangamba.

"God, you're awake." Nilapitan ako ni Garnet para abutan ng tubig. Kaagad na dumapo ang tingin ko sa sugatan niyang braso maging sa iba pa naming kasamahan na napahamak mula sa matinding pagsabog. 

Ang iba naman ay sinusubukang magtayo ng tent kahit na hindi pa maayos ang lagay para magkaroon kami lahat ng pansamantalang pahingahan.

"How long did I sleep? Anong nangyari?" 

Marami akong tanong pero alam ko sa sarili kong hindi ako bibiglain ni Garnet lalo pa't halata niyang hindi pa rin bumubuti ang lagay ko.

"It's two days already, Dasha..." Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong hininga pagkatapos.

"I doubt how did they knew our place. They even destroyed everything. Hindi na siguro tayo makakabalik r'on."

Bakas ang lungkot sa mga mata niya. Hindi ko siya masisisi. She's been through a lot in that place. At sa isang iglap, malaki rin ang tyansang mabura ang syudad na iyon sa mapa.

Muli na namang sumama ang pakiramdam ko kung kaya't muli akong inalalayan ni Garnet pabalik ng tent para makapagpahinga. 

Sa pangalawang pagkakataon, muli na naman akong napunta sa isang pamilyar na lugar at sa isang pamilyar na senaryo.

There was a man in black cloak. Beside him was his favorite white horse. 

"How's your feeling?" tanong niya habang hindi pa rin humaharap sa akin.

Sinubukan kong humakbang papalapit sa direksyon niya.

I am aware that I'm dreaming. That's why I can't help but to ask why we're seeing each other in the same place.

"Why do you ask?"

Still, it's new to me to hear those questions from him. Pakiramdam ko ay hindi siya 'yong kaharap ko sa tuwing nagtatanong siya sa akin ng ganito.

Bumaling siya sa akin ng tingin. This time, his eyes turned soft as if he's really worried about me. 

"O-Okay lang..." Napilitan akong sumagot bago ako mabilis na nag iwas ng tingin. 

Silence ate the whole place for some seconds afterwards. Marami akong gustong itanong sa kanya pero ramdam ko ang pag urong ng dila ko.

I can't easily process my mind. I can't compose the right words to ask.

"Why does it have to be you?"

That question gave me a bewildered expression. Hanggang sa paggising ko ay dala dala ko pa rin iyong sinabi niya. 

What does he mean by that?

Sinubukan kong bumangon nang maramdaman ko ang paglamig sa gitna ng gubat. The place was empty and dark. 

Hindi ko inakalang halos apat na oras na rin pala akong tulog.

Walang kahit sinong tao ang natira bukod kay Headmistress Sonnata na umiinom ng paborito niyang tea sa tapat ng isang malaking apoy na nagsisilbing ilaw namin sa lugar na ito.

Deltha: Avenue of the EsotericWhere stories live. Discover now