Chapter 5: Taste of home

Start from the beginning
                                    

Iniabot niya ito sa akin. “Bagay sa iyo ‘to.” Nangilabot ako sa sinabi niya. I can’t imagine myself wearing a dress like that. I shrugged.

Ngumiti na naman siya. “Nagbibiro lang.”

Naghanap pa siya ng ilang mga gamit at ako ang naging alalay niya sa paghawak nito dahil sa dami ng kanyang nabili.

Pagkatapos niya doon sa unang shop, lumapit naman kami sa isa pang shop na katabi nito. Kumpara sa unang shop, mas minimal at may pagkastreet wear ang mga damit dito.

I hid my smile. She bought so much. And half of those were actually mine.

Noong una, hindi ako pumayag na bilhan niya ako ng mga damit pero nang makita ko ang mga designs ng mga shirts at sapatos, napadami ako ng kuha.

“Saan mo gustong kumain?” tanong ni ate nang matapos kaming magshopping. Puno ang magkabilang kamay ko ng mga paper bags.

Nagkibit balikat ako. “Ikaw, kung saan mo gusto.” Napatingin siya sa mga restaurant habang naglalakad kami sa mall.

Napahinto siya. “I remember. There’s this store down the street with nice food.”

“Actually, about 7-10 minutes lang siya mula sa bahay kapag lalakarin.”

Hindi ko alam kung saan kami pupunta ni ate. Pinaandar niya na lang ang sasakyan at dumaan kung saan-saan. Buti na lang at dinala niya ang sasakyan niya dahil kung hindi, kami ang mahihirapan sa mga hawak naming bags.

Makalipas ng halos 15 minutes, nakarating kami sa isang hindi kalakihang restaurant. Buti nalang at may parking space sila kaya hindi naging hassle ang dala naming sasakyan.

“Kumain na kami dito ng katrabaho ko noon. Maganda naman ang mga menu nila.” Bumaba kami sa sasakyan at sinundan ko siya.

‘Yna’s diner’ ang nakalagay sa board na nasa taas ng pintuan nito. Dalawang palapag ito at may kulay brown na pintura sa labas.

“Naisip ko na magugustuhan mo ang pagkain nila.” Ngumiti siya saka binuksan ang pinto ng restaurant.

Marami-rami ang mga tao dito pero hindi pa naman puno ito. White at saka brownish yellow ang combination ng wall sa loob.

Napapikit ako sa amoy ng mga pagkain. It smells like home. Ito yung amoy na madalang kong maamoy sa mga restaurant, ang amoy ng lutong bahay.

Now, I understand why my sister wants to eat here. I’m sure, she also misses this kind of smell.

Sinundan ko lang siya hanggang sa makarating kami sa bakanteng upuan sa may gilid. Hindi gaanong marami ang nakaupo sa tabing table kaya maganda iyon na pwesto.

Pagkaupo namin ay may dumating na waiter para samahan kami. “Good evening po maams,” bati ng waiter na kararating. Pamilyar ang boses kaya napatingin ako sa kanya.

Sabay kaming nabigla nang magkatinginan kami. “Oh, Ruby. Hi.” Mukhang nahihiya pa siyang batiin ako. Napakamot siya sa batok niya at malawak na ngumiti.

“Magkakilala kayo?” pagbasag ni ate sa titigan namin sa isa’t isa. Nakahawak na siya sa menu.

Magsasalita sana ako nang inunahan na niya ako. “Magkaklase po kami, ma’am.” Malawak ang ngiti niya.

“Hello po, ma’am.” Bumati din pabalik si ate sa kanya. Hindi ko alam na nagpapart-time pala siya dito. Iniabot niya sa akin ang menu na nasa mesa. Nakangiti pa rin siya.

Binuklat ko naman iyon at sinuri ang mga dishes nila.

Pangkaraniwan ang mga menu. Adobo, sinigang, sisig, menudo, kaldereta, bulalo at may mga side dishes pa.

I AM NOT ALONEWhere stories live. Discover now