Napangisi ako.

"What now, wayne?"

-

Raven's POV

"Selene wag!"

Sigaw ko ng akmang papaluin na nito si shanelle.

"Selene please.. stop this."

Lumagatok sa sahig ang dos por dos ng mabitawan ito ni selene. Unti-unti naman syang humarap sakin.

"Raven?"

"Ako nga." I said while moving slowly at her. "Sakin ka may problema diba? Bakit kailangan mo pang mandamay ng iba?" Sinenyasan ko si shanelle na tumakbo. Tumango naman ito at sumunod sakin. "Bakit kailangang umabot sa ganito?"

"Bakit? Kasalanan mong lahat ng to raven! Kung di mo ko inabandona, di mangyayari lahat ng to!"

"Pero sapat ba yun para pumatay ka ng tao?" Natahimik ito sa sinabi ko, tanging hikbi nalang ang naririnig ko.

"Kinalimutan mo ko raven, pinagpalit mo ko sa iba."

"Alam ko hindi sapat to pero im sorry. I really am sorry selene. It's never to late to change. Let's stop this." Kahit madilim sa paligid ay nakikita ko padin ang mukha nya dahil sa sinag ng buwan. Maganda pa rin sya, sya parin yung babaeng minahal ko noon. Naalala ko na ang lahat at pinagsisisihan ko na kung bakit di ko sya inalala agad, kung bakit hinayaan ko na manatiling blangko ang ilan sa nakaraan ko.

Tama sya, kasalanan ko ang lahat.

"Just kill me selene."

"H-ha?"

"Ako nalang ang patayin mo. Ako naman ang may kasalanan ng lahat, diba?" Ibinuka ko ang mga kamay ko. "Kill me so i can ease the pain." I closed my eyes. If this is really the end, so be it.

"Tanga ka ba raven?" Sigaw nya. "Alam mong hindi kita kayang patayin!"

"Ikaw ang tanga selene!" Biglang may umalingawngaw na boses mula sa likuran ko. Pagharap ko, it was mike. "Sinaktan ka nya, pinagpalit ka ng ilang beses, kinalimutan ka nya!" Sigaw pa nya. "Di ba dapat lang na patayin mo sya?"

"Paano mo nagagawang sabihin yan? Ikaw, kaya mo bang patayin ang taong mahal mo? Kaya mo ba syang patayin?"

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni selene. "Mahal.. mo?"

"Yes, im inlove with you." Sagot ni mike. "Di mo ba nahahalata? O sadyang ganyan ka lang talaga katanga? Ako nga ang stalker mo diba? Ako ang dahilan kumg bakit namatay lahat ng girlfriends mo maliban sa kanya! Di mo padin ba nagegets raven? I did all of this, i killed them all." Tumawa ito. "Hindi ko hahayaang maging masaya ka kung di rin lang dahil sakin raven."

Kinuyom ko ang kamao ko. And before i knew it, i was already strangling his neck.

"I trusted you, i almost treat you like my brother! Bakit di nalang ako ang pinatay mo? Bakit kailangang idamay mo pa sila?!" Humantong kami sa may grills ng yate. Rinig na rinig at ramdam na ramdam ko ang lakas ng alon.

"Hindi sapat ang kamatayan sa lahat ng kasalanan mo mike. I just hope you'll serve well in hell because you deserve to be there." Unti unti kong hinighigpitan ang pagsakal ko sa leeg nya. Halos malapit nang lumuwa ang mga mata nya.

"Raven, wag!" Sigaw ni selene. "Wag mong gawin to.. Hayaan mong pagbayaran namin ang lahat sa kulungan. Wag kang tumulad samin, please.. tama na."

Napalunok ako sa sinabi nya. Bakit ko ba ginagawa to? Hahayaan ko bang tumulad ako sa kanila?

Agad ko namang binitawan si mike at hinarap si selene.

"Mali ang ginawa ko, maling-mali. Nabulag lang ako ng sakit raven, i'm so sorry.." Sambit nya habang umiiyak. Dahan dahan akong lumapit sa kanya sabay yakap.

"Malaki rin ang kasalanan ko sayo. God knows how much i regret forgetting you. I-"

"Sshh.." bulong nya. Tumango ako at hingpitan ang yakap sa kanya.

Tapos na din ang lahat.

O akala ko lang yun?

Unti unting nawala ang ngiti sa mga labi ko ng maramdaman ko ang matulis na bagay na yun na nakabaon sa tagiliran ko.

Kahit nanlalabo na ang paningin ko ay lakas loob ko parin syang tiningan, sa huling pagkakataon. Kita ko ang lungkot sa mga mata nya.

"Tama si mike, you cant be happy with someone else.. I'm sorry, raven."

-

"May babae dun oh!" Sigaw ng isang nakikiusyoso habang nakaturo sa may dalampasigan. Agad namang nagtakbuhan ang mga tao papunta dun at nakumpirma nilang may tao nga.

"S-si.. natasha to ah? Yung reporter? Diba nandun sya sa yate?"

"Medics!"

Dahan-dahang tumayo si natasha na agad namang inalalayan ng medics na nandun. binalutan sya ng tuwalya at iginiya sa ambulansya. Nagkagulo naman ang mga reporter na gustong makuha ang panig nya. Pero nanatili lamg syang tahimik. Ang utak nya hanggang ngayon ay nasa yate padin.

Tama ba tong ginawa ko? Tama ba na iniwan ko sya dun? Tinakpan nya ng palad ang mukha. Naging selfish ba ko?

"Natasha." Napaangat sya ng paningin ng marinig yun at awtomatiko syang napatayo at napayakap ng makilala ang tumawag sa kanya.

"Ate.." sambit nya habang humihikbi-hikbi. "Si.. raven, naiwan dun. Ate, di ko dapat sya iniwan dun eh!"

"Stop blaming yourself kiddo, you did a great job."

"Pero si raven-"

"He's a strong person, and he will survive." Humiwalay ito sa kapatid at sinapo ang magkabilang pisngi nito. "Matatapos din to, okay? Magtiwala ka sa kanya." Naniwala naman si natasha at muli itong niyakap.

MAkalipas ang ilang minuto ay dumaong na din ang yate sa dalampasigan. Nagising na din ang mga pinatulog na bisita. Halos lahat nakalabas na maliban nalang sa tatlo- si raven, selene, at mike. Sinalubong sya ni shanelle ng makalabas ito at nagpasalamat sa kanya at kay raven. Di na sya nakapagtanong pa kung nasan ang lalaki dahil kinailangan na nitong pumunta sa pulisya para magbigay ng panig.

Dagsa ang kaba sa dibdib ni natasha. Paano kung hindi nakaligtas si raven? Paano kung pinatay sya ng tuluyan nina mike? Paano kung nakatakas silang dalawa? Ibig sabihin ba nito di parin tapos ang lahat?

Naputol ang pag iisip nya ng may pumatong na mabigat na kamay sa balikat nya. Agad syang nakahinga ng maluwag at napangiti nang maisip na baka si raven na ang umakbay pero napalis din yun ng bumulong ito sa kanya.

Unti unti syang lumingon dito at nanlaki ang mga mata nya ng ngumiti ito.

Then everything went black.

--
You're wrong.

Fin.

Yung first and last word na italicized magkadugtong po ah, baka kasi malito kayo eh.

Thank you for reading!

Secret Admirer: Hide and seekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon