Chapter 2

18.2K 310 53
                                    

NAKAUWI na ako sa bahay at dumiretso na sa kwarto namin ni Pio.
Naligo ako dahil naglalagkit ang pakiramdam ko.

Pagkatapos maligo ay nahiga na ako sa tabi ni Pio.

Iniisip ko ang mga nangyari sa akin ngayong araw, na kung panong bigla akong naging girlfriend ng Mayor, kahit na hindi totoo.

Iwinaglit ko nalang iyon sa aking isipan at pinilit matulog. Pero hindi ata nakikisabay ang sarili ko dahil hindi pa din ako makatulog.

Napagpasyahan ko nalang na magkalikot ng aking cellphone at maghanap ng impormasyon tungkol kay Mayor Smith.

Nahanap kong isa siya sa pinaka batang Mayor at higit dun ay wala pa daw itong naging kasintahan, kaya siguro pinipilit na siya ng mga magulang niyang magkagirlfriend.

At ito naman si Mayor ay ang talino at naghanap nga pero hindi naman totoo at pretend pretend lang.

Seryoso din daw ito sa tungkulin at bibihira lamang makitang nguniti. Aba'y mukhang mysterious type pala siya.

Hindi ko namalayan sa kaka cellphone ko ay nakatulog na pala ako.

Nagising ako sa ingay sa labas ng kwarto kaya napatingin ako sa katabi ko at nakitang wala na si Pio.

Dali dali kong inayos ang pinaghigaan namin at lumabas.

Nakita kong nag aaway na naman sila nanay at tatay.

"Tangina mo! Manahimik ka nga lucille naririndi ako sa boses mo, hayop!"galit na bulyaw ni tatay.

"Aba! ikaw pa ang naririndi sa boses ko!? kung hindi ka sana tanga edi sana ay may pera tayo ngayon. Bobo!" galit naman na sagot dito ni nanay.

Napatingin ako sa kapatid ko na nasamay gilid at tahimik na umiiyak.

Dali dali ko itong nilapitan at agad din naman itong yumakap sa akin. Ramdam ko ang panginginig nito dala ng takot dahil sa mga boses nila Inay.

Tinakpan ko ang tenga nito upang hindi marinig ang mga murahan ng aming mga magulang.

Dahan dahan kaming lumabas ngumit agad din kaming napansin ni nanay kaya dali niyang hinablot sa akin si Pio.

Nilayo niya sa akin si Pio at bigla akong sinampal ng dalawang beses.

Agad na namanhid ang aking pisngi sa lakas ng sampal ng aking ina.

"Isa ka pang bobo! Anong oras ka na gumigising ano ka dito! Donya? hah!?kung nagtatrabaho ka kasi ng maayos edi sana may makakain tayo! parehas kayo ni Noel na bobo!" galit na buntong sa akin ni nanay.

Masakit ang mga salitang sinabi niya at masakit pa ang pisngi ko dahil sa pagsampal niya, sa akin na naman niya ibubuntong.

"Hay naku! Bakit ko pa kasi pinakasalan ang bobong Noel na yon. Tangina wala tuloy akong makain!" sabi ni nanay at umalis.

Binangga niya pa ang balikat ko kaya napaaray ako. Napayuko ako at agad dali daling pinunasan ang luhang kumawala sa mga mata ko.

Si tatay ay kanina pa umalis nang sa akin binuntot ni nanay ang galit niya.

Dali daling lumapit sa akin si Pio at pinunasan ang luha ko.

"Tahan ka na mama bear ko."
Masuyong sabi niya sa akin.

Masakit man ang aking pisngi ay nagawa ko pa din siyang ngitian at yumakap pabalik.

Buti nalang ang kapatid ko ay maayos ang trato sa akin. Kailan kaya aayos ang trato sa akin ng nga magulang namin?

Kailan kaya nila ako matutunan na mahalin at pahalagahan? Maranasan ko pa ba iyon sa mga kamay nila?

Matagal ko nang pinapangarap na matanggap ako nila bilang anak nila, pero sa tingin ko ay hanggang pangarap nalang iyon.

Ang hirap.

Pinagtuunan ko na lamang ng pansin si Pio, sa kaniya ko nalang ibinuhos ang atensyon ko para na din makalimutan ang mga nangyari kanina.

Wala din naman kasing mangyayari kung magmumukmok ako. Hindi naman sila lalapit at mag so-sorry sa akin.

At isa pa ay may kapatid akong dapat asikasuhin. Siya lang dapat at dapat ay sa kaniya lang ang atensyon ko.

Hindi ko na dapat kasi iniisip pa ang tungkol sa nangyari kanina.

"Mama bear, lab mo po ba sila nanay?" Inosenteng tanong sa akin ni Pio.

Pinupunasan ko ang likod niya at nilalagyan ng pulbo nang magsalita siya.

"Oo naman, bakit mo iyon natanong baby bear ko?" Balik tanong ko sa kaniya.

"Talaga po? Lab ninyo pa din sila kahit lagi ka po nila sinasaktan at bad po sinasabi nila sa'yo?" Napatigil ako sa ginagawa ko dahil sa muli niyang itinanong.

"Oo, mahal na mahal ko pa din sila. Sila ang magulang ko e, sila ang magulang natin. Kahit ano pang masasama at masasakit na binibigay nila sa akin ay mahal ko pa din sila. Dahil wala naman ako ngayon dito sa harap mo e kung wala sila." Mahaba kong sagot kay Pio.

"Mahal ko sila kahit hindi ko ramdam ang pagmamahal nila sa akin." Pagkatapos kong sabihin iyon ay mapait akong napangiti kasabay ng pagtulo ng luha ko na agad ko namang pinunasan.

Hindi pwedeng makita na naman ako ni Pio na umiiyak.

Itutuloy.
❄️
Hindi po ako nagmumura pero nilagay ko lang sa story kasi ganun yung ugali ng magulang niya. Iniklian ko lang din kasi na guguilty na ko sa mga curse.

BS #2 Phoebe's WeepWhere stories live. Discover now