Chapter 7

14.2K 307 77
                                    

ISANG BUWAN na ang nakalipas mula nang pumunta sa bahay si Lincoln at nasundan pa iyon nang nasundan.

Katulad ngayon,andito kami at parehong nakaupo si Lincoln at Pio sa may upuan.

Habang ako ay nangingiting sumisilip silip sa kanila.

Naglalaro kasi sila ng mga laruang binigay ni Lincoln kay Pio.

At ang bata ay tuwang tuwa at talagang ipinagmayabang pa sa akin kanina.

Matapos kong magluto ng meryenda ay pumunta na din ako sa kanila.

Tumingala sa akin si Lincoln at humawak agad sa aking bewang pagkatapat ko palang sa kanila.

Simpleng maruya ang niluto ko para sa amin.

Kumuha ako ng tissue na bigay din ni Lincoln nung nakaraang nag grocery siya para sa amin.

Binigay ko na kay Pio ang may tissue na Maruya upang hindi siya mapaso at sinabi ko ding hipan niya.

Nasa kalagitnaan kami ng pagkain may narinig kaming kalabog papasok.

Napatayo agad si Lincoln at lalakad na sana nang makita namin ang nagbabagayan sila nanay.

"Putangina Lucille!hindi nga ko nangbababae,tangina ilang beses ko pa ba kailangan sabihin!?"naiiritang sabi ni nanay.

"Gago!hindi daw e halos nakita na nga kitang kahalikan yung bata dun!jusko naman Noel,mahiya ka naman at teneger pa yon!"sabi naman ni nanay.

"18 na siya! At saka nagpapatulong lang naman ang bata sa assignment niya"mahinahong sabi ni tatay.

"At ako pa ang niloko mo?ni hindi ka nga nakapag highschool tapos ikaw pa magtuturo dun!?Kung marunong ka naman pala bakit hindi mo matulungan ang sarili mong anak!?Si Pio aba'y malapit na yan mag aral!"
talak ni nanay.

"Ewan ko sayo."bulong ni tatay at pumasok sa kwarto nila,narinig pa namin nilock nito iyon.

Nahinto pa nga ito nang makita kami sa sala pero dumiretso pa din.

"Gag-Oh andito ka pala iho."magiliw na sabi ni nanay pagkakita kay Lincoln.

"Naku pasensya ka na sa mga narinig mo ha?Talagang ganun lang yung si Noel,sige iho pasok muna ko sa kwarto."sabi ni nanay at binuksan gamit ang susi ag kwarto nila.

Narinig pa namin ang talak muli nito kay tatay.

Dahan dahang naupo muli kami ni Lincoln at itinuloy ang pagkain.

"Baby, We are going to my parents house tomorrow." biglang sabi ni Lincoln kaya nanlalaki ang matang napatingin ako sa kaniya.

"P-pero Lincoln, wala ko masusuot."
palusot ko dito pero inilingan niya lang ako.

"Of course my secretary will drop here the dress. So no more excuses agàpi mou." sabi niya at hinalikan ang tungki ng ilong ko.

Marunong si Lincoln mag greek language kaya medyo sanay na din ako pag ginagamit niya yon.

Sanay lang pero hindi ko pa din naiintindihan.

"Kiss po din kita mama bear!"
masayang sabi ni Pio nang makita niya akong halikan ni Lincoln.

"No, you will not kiss my girlfriend.
She is mine." kunwaring seryosong sabi ni Lincoln.

Napapailing nalang ako sa kaniya, lolokohin na naman niya si Pio at kapag umiyak ay tatawanan lang naman.

Nang hindi pa din pumapayag si Lincoln na mahalikan ako ni Pio ay nakita na namin ang nagbabadyang luha nito.

"Guto ko lang po kiss mama bear ko e"
naiiyak na sabi nito.

Natatawa pa talaga si Lincoln kaya naman humiwalay nako sa kaniya at ako na din ang humalik sa matambok na pisngi ni Pio.

Itutuloy.
❄️
Sad nasira yung eyeglasses👓 ko:(
Kaya kung may makikita po kayong typo, icorrect ninyo nalang po ako☆

BS #2 Phoebe's WeepWhere stories live. Discover now