Chapter 18

13.5K 313 33
                                    

NAKALABAS na ako nang hospital dahil hindi naman ganun kalala ang tinamo ko.

Nakalaya na din sa kulungan si Kierol dahil pinansyahan ito ng pamilya.

Nagalit si Lincoln pero wala siyang nagawa dahil na din sa utos nang daddy niya.

Alam din naman ng mga magulang ni Lincoln kung ano ang ginawa ni Kierol ngunit para sa ikakatahimik ng bawat isa ay pumayag na silang palayain si Kierol.

Dito pa din kami tumuloy sa penthouse ni Lincoln.

"Mama bear wag ka na iyak." sabi ni Pio sa aking tabi.

Umiiyak kasi ako ngayon dahil naalala ko na naman na muntik na akong mapagsamantalahan ni Kierol.

Pinunasan ni Pio ang luha na tumulo galing sa mata ko kaya naman kahit paaano ay sumaya ang nararamdaman ko.

Wala din ngayon si Lincoln dahil kailangan niyang puntahan ang pamilya nang mga nasawi sa aksidente.

Nagiwan din siya ng guard sa labas ng penthouse kung sakali mang sumugod dito si Kierol.

Sinabi ko ngang hindi na kailangan pero makulit ito at pinagpilitan pa din ang gusto.

Pagabi na at ngayon ay nagluluto ako ng adobo para sa hapunan namin.

Nagtext na din sa akin kanina si Lincoln na pauwi na siya kaya medyo binibilisan ko na ang kilos.

Naglagay ako ng adobo at kanin sa lalagyan para sa dalawang guard na bantay sa labas.

Maya maya ay narinig ko nang bumukas ang pintuan at may mga braso nang pumulupot sa bewang ko.

"How's my baby?" tanong niya at inamoy amoy ang leeg ko.

Bahagya ko naman siyang tinulak nang humarap ako, amoy pawis na kami ako bago kasi magluto kanina ay naglinis ako kaya nakakahiya sa kaniya.

"Wag mo nga kong amoyin,kitang pawis ako e." kunwaring inis na sabi ko sa kaniya.

Magsasalita sana siya ng may matinis na boses ang sumigaw.

"Titoooooooo Beckhaaaaammmm!"
tinig ni Pio.

Napapailing nalang ako,sa lumilipas kasing araw ay lalong nagiging malapit sa isa't isa si Lincoln at Pio.

Yumakap si Pio kay Lincoln at binuhat naman siya nito at matamis siyang hinalikan sa pisngi pagkatapos ay humagikgik.

"Ayy! bakit siya lang ang kinikiss mo baby? Paano ako?" lungkot lungkutang sabi ko.

Kaya naman lumapit sa akin si Pio at matunog din akong hinalikan sa magkabilang pisngi ko.

Nang tumingin ako sa kanila ay malaki ang ngiti ni Pio habang si Lincoln ay parang nalugi ang itsura.

Tinaasan ko lang siya ng kilay at naghain na.

Binaba niya na din si Pio at pinagsandukan ko ang bata ng kanin at ulam.

Nagdasal muna kami bago magsimula nang mapansin kong hindi ginagalaw ni Lincoln ang pagkain niya.

"Oh bakit? ayaw mo nang ulam?"
tanong ko.

Pero inismiran lang ako nito at nagsimula nang kumain.

Naiiling na natawa nalang ako sa kaniya.

Seloso.

Nang matapos kumain ay basta nalang umalis si Lincoln kaya naman ako na ang naghugas ng pinggan.

Patapos na ako ng may yumapos sa likod ko a bumulong.

"Baby." ungot niya.

"Ano?" galit galitang sabi ko.

"I'm sorry. I-i just want your attention kasi." sabi niya at hindi ko man siya nakikita alam kong nakanguso siya.

Itutuloy.
❄️
Thank you so much po for reading Stranger & Betrayed.Thank you din po sa mga patuloy na nagvovote.
Sana po ay nag enjoy kayo sa mga stories ko.
Stay safe everyone!

BS #2 Phoebe's WeepWhere stories live. Discover now