Chapter 15

14.4K 294 75
                                    

NANDITO kami sa penthouse ni Lincoln at kakatulog lang ni Pio kaya naman lumabas ako ng kwarto para kausapin si Lincoln.

Medyo nahirapan pa ako g hanapin siya sa laki ng penthouse niya pero nakita ko din naman siya sa mini pool.

Umupo ako sa tabi niya at siya naman ay agad na pumulupot ang kamay sa aking bewang at hinapit ako papalapit.

"I miss you baby."sabi niya at isinubsob ang mukha sa aking leeg.

Nagtaka naman ako dahil parang magkasama lang kami kanina at pinatulog ko lang si Pio kaya nagkahiwalay kami.

"E? Diba magkasama naman tayo kanina saka may tanong pala ko."sabi ko sa kaniya.

"What is it hmm?"tanong niya habang inaamoy amoy ang buhok ko.

"Bakit mo kami sinama dito?"

"Hindi ba obvious?Because of your parents.Kung hindi ka nila sasaktan ay sisigawan ka nila.Pati ang bata ay nadadamay na."seryoso niyang sagot.

"Alam mo,sanay na kami sa kanila at saka siguro kaya ganun ang naging reaksyon ni Pio ay dahil nga sa pinalo siya ni tata-"

"Exactly.Natakot ang bata,natrauma na siya and sobrang bata pa niya para danasin yon."pagputol niya sa sasabihin ko.

Magsasalita pa sana ako ng yinakap niya ako at binulungan.

"Please baby. I don't want us to argue."
bulong niya kaya naman natahimik ako.

Nakayakap lang siya sa akin at ganun din ako sa kaniya.

Tumagal ng halos bente minuto ang pagyayakap namin sa mini pool bago niya ako ayain matulog.

"Good night baby."sabi niya pagkatapat namin sa kwarto at hinalikan ako sa labi at sa noo.

Pumasok na ako sa loob at tumabi kay Pio.

Tama siya.Masyadong pang bata si Pio para danasin ang mga iyon.

At alam ko ding hindi lang isang beses napag buhatan ng kamay nila nanay si Pio base na din sa kilos nito kapag nasa paligid sila nanay.

At bilang in- ate niya ay nasasaktan ako dahil alam kong magiging malaki ang epekto nun sa kaniya.

Pinilit ko naman magbago ang aming mga magulang pero nasaktan lang ako
dahil nagagalit lang sila at hindi pa din nakinig.

Dalawang taon ang nakalipas nang muntik makulong si itay dahil sa pagbebenta ng ipinagbabawal na gamot.

Mabuti at nakatakas siya bago dumating ang mga pulis.

Kaya din kami lumipat ng Isabela ay dahil natakot silang mahuli at simulannun ay tumigil na sila sa pagbebenta.

Pero alam kong gumagamit sila nun kaya naman nagkukulong kami ni Pio sa kwarto kada umuuwi sila at nakikita ko ang matang lango sa droga.

Nung una ay kinausap ko sila at sinabing itigil na ang paggamit nun pero ang nangyari ay muntik na akong mapatay ni tatay kung hindi lang siya napigilan ni nanay.

Ang sabi niya ay nararapat lang yon sa akin dahil pakialemera daw ako at nakatikim din ako ng mag asawang sampal mula kay nanay.

Mula noon ay pinabayaan ko nalang sila kesa masaktan pa ako.

Habang hinahaplos haplos ko ang noo ni Pio ay hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

Itutuloy.
❄️
HAPPY 6K READS STRANGER 🥳
STAY SAFE EVERYONE AND I HOPE Y'ALL HAVE A GOOD DAY.
GOODNIGHT.🌙

BS #2 Phoebe's WeepOù les histoires vivent. Découvrez maintenant