Chapter 21

12.6K 213 16
                                    

NAGLALAKAD ako pauwi habang iniisip pa din ang mga nasabi ni Kierol.

Gustong gusto ko na umuwi din dahil nais kong komprontahin si Lincoln at gusto ko ding malaman kung alam ba niya ang mga nangyari kay Kierol.

Nang matapat ako sa penthouse ni Lincoln ay tumingala ako sa napakalaking building.

Nakita ko ding parang nagkakagulo pa sa may receiving area.

"Ma'am!"gulat na sabi ni kuya Bernard,ang Guard sa main entrance.

Medyo malakas ang pagkakasabi nun ni kuya kaya napatingin ang iba at nakita ko ding sabay sabay na lumaki ang mga mata nila.

"Ma'am!Saan po kayo galing?Nahihilo na po kami kay Mayor kanina dito na paikot ikot."sabi ni Shiela sa pagkakaalala ko.

Siya naman ang tumatao sa receiving area.

"Oo nga po maam."pagsang ayon ni Oscar,kapwa guard ng building.

"Hello po sir,Opo nandito na si ma'am,ganun po ba.Si-"rinig kong sabi ni Shane sa kausap sa kabilang linya.

Nang ibaba niya ang tawag ay tumingin siya sa akin.

"Ma'am pababa na daw po si Mayor Smith dito."imporma niya.

Tumango lang ako at pinaupo naman nila ako sa bakanteng upuan habang hinihintay si Lincoln.

Maya maya ay narinig na namin ang tinig nito.

"Baby!"humahangos siya pagkalapit sa akin at agad na yumakap.

Naramdaman ko din ang maliliit na braso na pumulupot sa bewang ko at ang munting hikbi nito.

Nang ibaba ko ang paningin nakita ko ang lumuluha kong an-kapatid na mahigpit ding nakayakap sa akin.

"Baby,Where have you been!?I am worried sick here after i got a call telling that the two guards is unconscious and Pio is Crying and shouting your name."sabi ni Lincoln.

Hindi ko siya sinagot bagkus ay lumuhod ako upang magpantay kay Pio na agad naman akong yinakap.

"Ma-ma bear i-i miss you po."naiiyak na sabi niya habang nakayakap sa akin.

"S-sinaktan ka po ba ng mga bad guys?"tanong niya ng kumalas sa pagkakayap sa akin.

"Who's bad guys Pio?"tanong ni Lincoln.

"Yung mga bad guys po na nagpatulog kila kuya Paul and Kiko and kuha my mama bear."inosenteng sagot ni Pio.

"Baby,Phoebe.Kilala mo ba ang tinutukoy ni Pio?"seryosong tanong ni Lincoln.

"S-sila Kierol."maikling sagot ko.

Narinig ko siyang nagmura kaya agad kong tinakpan ang pandinig ni Pio at tinignan siya ng masama.

Natahimik nalang siya at tumalikod sa amin,lumayo nang kaunti at kinausap sila kuya Bernard.

Binuhat ko si Pio na isinandal ang ulo sa aking balikat.

"Pagod ba ang baby ko?"malambing kong tanong sa kaniya.

"Opo,mama bear."inaantok na sagot niya.

Pagkatapos makipagusap ni Lincoln kay kuya Bernard ay lumapit na siya sa amin at sinabing nakatulog na si Pio.

Siya sana ang magbubuhat pero ayaw bumitaw ni Pio kaya hinayaan nalang namin,ang siste ay nakahawak nalang siya sa bewang ko.

Nang nasa tapat na kami ng elevator ay sumalubong sa amin sila Paul at Kiko na may mga pasa ang mukha.

Itutuloy.
❄️
So happy cause i have my new glasses na! And i hope you enjoy reading my stories ☺️
And undecided pa din ako kung ipupub ko ba yung sinulat ko hehe. Bigyan ninyo ko ng courage>.<
I will update tomorrow:)

BS #2 Phoebe's WeepWhere stories live. Discover now