Chapter 44

11K 175 40
                                    

NAKATINGIN NG MASAMA sa akin si Pio habang nakayakap ang kaniyang malilit na braso sa bewang ni tita Lia na parang pinoprotektahan ito laban sa akin.

Parang dati ay ako pa ang pinoprotektahan niya ngayon ay ibang tao na.

"P-pio,anak."naiiyak na sabi ko sa kaniya at napansin kong kumunot ang noo niya lalo na nang lumuhod ako sa kaniyang harapan.

Hinawakan ko ang pisngi niya kahit na ang sama sama ng tingin niya sa akin pero hindi naman niya hinawi ang aking kamay.

"Anak ko."sabi ko at walang pasabing yinakap siya.

Hindi siya tumugon sa yakap ko at parang poste lang ang yinayakap ko ngayon pero hindi ko na iyon pinansin.

Ang importante sa akin ay mayakap muli ang aking anak.

"Bitaw po!Di ko po kayo kilala!"
nagulat nalang ako ng bigla akonh itulak ni Pio kaya naman hindi ko iyon napaghandaan kaya natumba ako.

Maagap naman akong nasalo ni Elias.

Nakita kong tumalim ang tingin ni Lincoln sa amin lalo na sa magkadikit na katawan namin ni Elias.

Binuhat niya si Pio kaya naman naalerto ako.

"Teka!saan mo dadalhin ang anak ko?"tanong ko sa kaniya bago pa sila tumalikod.

"It's my son time to nap miss."seryoso sagot niya.

"Pero hindi mo nga siya anak!"sigaw ko sa kaniya.

Pero biglang nawala ang galit ko ng makita ko ang takot sa mukha nang anak ko,agad nitong itinago ang mukha sa amin at binaon ang mukha sa leeg ni Lincoln.

"You're scaring my child miss.Excuse us."sabi ni Lincoln at umalis na sila.

Hindi ko na sila pinigilan pa dahil alam ko naman na natakot talaga sa ginawa kong pagsigaw si Pio.

Gabi na at nandito pa din kami sa bahay nila tita Lia dahil mula pa kanina ay hindi na muling lumabas si Lincoln at Pio.

Ilang beses na ding kinatok ni tita Lia ang kwarto ng dalawa pero walang tugon mula sa mga ito.

Sa iisang kwarto lang din natutulog sila Pio at Lincoln ayon na din sa kagustuhan ng bata.

"Pasensya na kayo iha,bibihira lang kasi talagang lumabas ng kwarto ang dalawang iyon at mas pinipiling manood nalang ng movie sa kwarto nila kesa makausap kami."sabi ni tita Lia.

"Gusto ko hong mabawi ang anak namin."biglang sabi ni Elias na mula pa kaninang tahimik.

"A-anak ninyo?"nalilitong tanong naman ni tita Lia.

"Ako ho ang tunay na ama ni Pio Miguel,at nais ko hong makasama ang anak ko.Sa aking nalalabing araw."
sabi ni Elias at ibinulong lang ang huling salita na siyang narinig ko naman dahil katabi ko siya.

Nagtaka ako sa huling sinabi niya kaya binigyan ko siya ng nagtatakang tingin pero binaliwala niya lang ito at hindi man lang tumingin sa akin.

"Ganun ba?Oh siya gagamitin ko na ng susi ang kwarto nila."sabi ni tita Lia at tumayo.

"Sumunod kayo sa akin."sabi niya kaya naman sumunod kami.

Pumunta kami sa second floor ng bahay at nakita ko ang kulay asul na pinto.

Nakalock pa din ito kaya sinusian na ni tita Lia.

At bumukas na nga at tumambad sa amin ang natutulog na si Pio sa kandungan ni Lincoln na nakasandal sa kama.

Bukas pa din ang malaking TV nila at nagkalat na din ang mga popcorn sa sahig dahil nabitawan na ito ng kamay ni Pio.

"Kaya naman pala hindi na nagsisisagot ay nakatulog na."rinig kong sabi ni tita Lia at pumasok sa kwarto.

Nang mapansin niyang nasa labas pa din kami ay nilakihan niya ang pinto at muli kaming inaya na pumasok.

Pumasok kami sa loob at napansin ko agad ang puro kulay asul sa paligid.

Pio's favorite color is blue.
Lincoln's favorite color is blue

Ayun ang nakalagay sa may pinto.

Kaya naman halos asul ang buong kwarto.

Alam ko naman na blue talaga ant paboritong kulay ni Pio pero hindi ko alam na blue din pala ang paborito ni Lincoln.

Asul ang kama,ang table,ang upuan maging ang ilang laruan na nandito sa kwarto.

Meron ding nakalagay na picture frame sa mesang katabi ng kama.

Picture iyon ni Pio at Lincoln na mukhang nasa hospital pa sila.

"What are you all doing here?Who gave you permission to enter mg room?"napatigil ang pagmamasid ko sa kwarto ng marinig ang nakakatakot na malamig na tinig na iyon.

Napalunok ako habang nakatingin sa kulay tsokolateng mga mata niya na direktang nakatingin sa akin.

Nakahiga pa din sa kandungan niya si Pio na mahimbing pa din ang tulog.

"I said who gave you permission to enter my room?"ulit niya nang walang sumagot sa amin.

"Beckham,anak pwede ba kitang makausap?"sabi ni tita Lia na hindi sinasagot ang tanong ni Lincoln.

"About what mom?"tanong naman ni Lincoln dito.

"About Pio,anak."sagot ni tita Lia.

Tumango naman si Lincoln at inayos ang higa ni Pio sa kama bago ito kinumutan ang hinalikan sa noo.

"I don't want anyone else in my room especially if I'm not here so leave."
sabi niya na nakatingin sa aming dalawa ni Elias.

Wala na kaming nagawa kung hindi ang lumabas dahil kwarto naman niya talaga iyon at privacy.

Nandito na kaming muli sa sala at nasa harapan namin ni Elias nakaupo sila Lincoln at tita Lia.

"Anak,Beckham.Sila ang tunay na mga magulang ni Pio at nais nilang bawiin ang bata."sabi ni tita Lia.

"What the......"tanging nasabi ni Lincoln.

"Mom!are you freaking sure na sila ang mga magulang ni Pio!?"malakas niyang tanong habang masama ang tingin kay Elias.

Hindi ko din alam kung bakit masama ang tingin niya dito.

"Yes anak.At alam kong wala naman tayong laban at ang dapat nating gawin ay ibalik sa kanila ang bata.
Alam kong napamahal ka na kay Pio pero anak deserve ng bata na makasama niyang muli ang kaniyang mga magulang."ani ni tita Lia.

"I don't want to."malamig na sabi ni Lincoln at tumayo para umalis.

Tinawag pa siya ni tita Lia pero ni hindi man lang ito huminto o tumingin.

Itutuloy.
❄️
Lincoln pov next.

BS #2 Phoebe's WeepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon