Chapter 5

14.9K 303 35
                                    

NANG HUMINTO ang sasakyan sa tapat ng bahay namin ay tinanggal ko na ang seatbelt.

Naunang lumabas si Lincoln at nagulat pa ako ng pagbuksan ako nito ng pinto.

Tinanggap ko ang kamay niya na nakalahad at lumabas na.

Nakita ko ang mga kapit bahay naming nag uusisa at ang iba ay mga nakangiti pa.

"Mayor!"

"Mayor! gerplen mo?"

"Mayor! Penge pera!"

"Mayor ang gwapo mo!"

Iba't ibang komento ng mga taong nakakita sa kaniya.

Tumingin naman sa kanila si Lincoln at maliit na ngumiti at kumaway.

Papasok na sana kami sa loob ng may kumausap sa akin.

"Oy, Phoebe gerplend ka ba nito ni mayor pogi?" tanong ni aling Susan.

Hindi ko alam ang isasagot ko at napatingin lang kay Lincoln na nakatingin din pala sa akin.

Nang hindi ako makasagot ay tumaas ang kilay ni aling Susan.

"Yes, She's my girlfriend." si Lincoln na ang sumagot at tumango tango naman si aling Susan.

Pumasok na kami sa loob at narinig agad ang sigawan ng aking mga magulang.

"Tangina naman Noel,Ano nanamang katangahan ang ginawa mo at kaninang pagpasok ko sa iskinita ay sinisingil ako ni Susan sa taya mo daw!"sigaw ni nanay.

Nahihiyang napatingin naman ako kay Lincoln na walang emosyong nakatingin sa mag asawang nag aaway sa aming harapan.

Kung alam ko lang na nag aaway pala sila ay sana hindi ko nalang ipinatuloy si Lincoln.Nakakahiya.

"Gago kasi si Temyong at pinilit akong sumug- oh bakit kasama mo si Mayor Phoebe iha?"mula sa galit na tono ay naging malumanay ang naging sabi ni tatay.

Ganun din si nanay na kanina ay nanlilisik ang mata ngayon ay parang maamong tupang nakatingin sa lalaking katabi ko.

"Magandang gabi ho Mayor"mahinhin na sabi ni nanay.

"Naku Phoebe,bakit naman hindi mo pinapaupo si Mayor.Naku mayor heto at dito ka maupo,gusto ninyo ho ba ng makakain o maiinom?"puno ng galak na sabi ni tatay.

"No need."malamig na sabi ni Lincoln.

Umupo din naman siya sa inaalok na upuan ni tatay kaya lalong lumawak ang ngiti nito.

"Ay hehe,bakit nga ho pala kayo nandito Mayor?"tanong ni nanay.

"I want to see where Phoebe is staying and what kind of people are with her"
sagot ni Lincoln.

"M-ama bear,a-andito ka na po?"

Magsasalita pa sana sila nanay ng narinig namin ang nanginginig na boses ni Pio.

Nakita namin ito sa may kusina at dahan dahan umalis sa pinagtataguan niyag kurtina.

Nang makita ako nito ay mabilis siyang tumakbo papunta sa akin at yumakap.

Naririnig ko ang mahihinang hikbi nito.Parang kinurot naman ang puso ko habang naririnig ang mumunti niyang hikbi.

Paniguradong narinig nanaman niya ang away ng mga magulang namin at natakot.

Hinahaplos haplos ko ang ulo nitong nakasubsob sa aking tiyan at pinapatahan.

"Ay naku,ang bunso ko pala ay umiiyak.Halika dito anak"sabi ni nanay at kukunin sana si Pio pero hinarang ni Lincoln ang kamay.

"I can see in his eyes that he is afraid to you,so let him in Phoebe's arms."
mariing sabi ni Lincoln.

Nahihiyang lumayo naman si nanay at nakita pa naming pinanlakihan ito ng mata ni itay at kinurot.

Mahinang napadaing naman si nanay ay nang tumingin muli kay Lincoln ay ngumiti.

Itutuloy.
❄️
Magkaiba po yung tita ni Zyair at nanay ni Phoebe.Ngayon ko lang po napansin:)

BS #2 Phoebe's WeepWhere stories live. Discover now