Chapter 8

14.4K 292 9
                                    

KINAKABAHAN ako ngayong araw dahil ngayon kami pupunta ni Lincoln sa mga magulang niya.

Napadala na din sa akin ni Navya, Secretary ni Lincoln ang susuotin ko.

Personal secretary pala siya ni Lincoln kaya naman pati ang damit ko ay siya na din ang pumili at pinadala sa akin.

Tumingin ako sa dress na nakasabit sa may kabinet ko at pinagmasdan ito.

Simple lang siya pero napakaganda,
kulay puti at may kulay dilaw na disenyo.May ribbon din ito sa may dibdib at may sleeves.

Napabuntong hininga ako.Sayang naman ang dress na ito kung hindi ako pupunta at ayoko ding mapahiya si Lincoln.

Kaya naman pumunta na ako sa banyo at naligo.

Habang naliligo ay kinakabahan pa din ako.

Masungit kaya ang magulang niya?magugustuhan kaya nila ako?Magugulat ba sila na ang nag iisa nilang anak na mayor ngayon ay girlfriend ang isang katulad ko?

Ipinagsawalang bahala ko nalang ng lahat ng iniisip at lumabas nang banyo pagkatapos.

Sinuot ko na ang damit at nagulat pa ako ng kasyang kasya ito sa akin na para bang ginawa talaga para sa akin.

Inayos ko din ang buhok ko at naglagay ng kaunting make up.

Kasama ang makeup at sapatos sa pinadala ni Lincoln kaya naman wala na talaga akong problema.

Ang gusto pa nga niya ay maghire ng makeup artist at ayusan ako ngunit tinanggihan ko na.

Nang matapos ako ayusin ang sarili ay napangiti ako sa maliit na salamin dito sa kwarto.

Nang makalabas ako sa kwarto ay nakita ko si Pio na naglalaro sa may upuan.

Nang makita niya ako ay agad siyang tumayo at tuwang tuwang siya sa akin dahil ang ganda ganda ko daw.

Binilinan ko lang siya ng kaunti at nagsapatos na.

Nang nakalabas na ako ng bahay ay nagbilin pa ako sa kapit bahay naming tignan tignan si Pio at ang bahay.

Wala din kasi sila nanay ngayon at malamang ay nagsusugal nanaman sila.

Sumakay na ako sa itim na kotseng ihahatid ako sa munisipyo.

Dapat ay si Lincoln na ang maghahatid sa akin ngunit biglang nagkaroon ng meeting ang mga mayor ng bawat probinsya kaya naman pinasundo niya muna ako at sabay nalang kami pupunta doon.

Nang pumarada na ang sasakyan ay lumabas na ako at tinungo ang office niya.

Naghintay lang ako dun habang si Navya ay paminsan minsan akong kinakausap.

Masayang kausap si Navya dahil ang kwela nito at talaga namang nakakahawa ang tawa.

"Tapos alam mo ba? Diba nung nasa meeting si sir ay naku ang daming gwapo talaga!"sabay tawa niya.

Natawa nalang din ako kasi sinasabi niyang parang may crush na daw siya sa isa sa mga kaibigan ni Lincoln.

Yun nga lang ay hindi niya makuha kuha ang pangalan.

Habang nagkukuwento pa si Navya ay biglang bumukas ang pinto at pumasok doon ang nakakunot noong si Lincoln.

Napatahimik nalang si Navya at ako naman ay napatayo.

Nagulat nalang ako ng bigla itong yumakap sa akin kaya naman nahihiyang napatingin ako kay Navya na nang aasar na nginigitian ako.

Lumabas din naman siya ng marealize niya ang hindi pa din bibitaw si Lincoln.

Itutuloy.
❄️
Si Navya ay siyang bida sa susunod na story,hulaan ninyo sinong partner niya kila Griffin, Atticus, Isaiah.

BS #2 Phoebe's WeepWhere stories live. Discover now