P'wersahan ko siyang tinulak papalayo sa akin. Wala na akong pakialam kung masaktan siya! Naghabol ako ng hininga at nagbaling ng tingin sa pukinginang killer.

Pero wala pa man, may naramdaman na akong manipis na bagay na tumusok sa balikat ko. Nilingon ko si Mayen, may nakita akong lungkot sa mga mata pero nananaig ang galit. 

I gasped. “Punyeta ka, Mayen!” 

May isa pa siyang syringe na hawak, akma niya ulit na ituturok sa akin nang agawin ko ito at walang sabi-sabi na tinurok sa dibdib niya. 

Nakaramdam ako ng panghihina, unti-unting dumudoble at nanlalabo ang paningin ko na siyang nagpaluhod sa alin nang hindi ko na makayanan. 

Gaya ko, nanghihinang napahiga si Mayen at agad itong nawalan ng malay. 

Ano 'tong nangyayari sa akin?! 

May mga naririnig akong mga bulong, iba't ibang boses, puros mga hinaing at sunod-sunod ang pagbigkas ng kung ano. 

Hindi ko sila maintidahan, wala akong maintindihan sa sinasabi nila! 

“T-Tama na!” Tinakip ko ang dalawa kong kamay sa magkabilang tainga ko. “T-Tama na... Hindi ko kayo maintindihan! S-Shut the fuck up!” 

Nagbingi-bingi sila. Hindi ako pinansin at nagpapatuloy sa pagbulong. Tila bang mas nagalit sila at lumakas ang bulungan. 

“A-Ayoko na!” I started to cry. I feel something heavy on my chest. Kumikirot ito at naninikip. “T-Tigilan n'yo na ako...” 

Hindi ko na alam kung ano pa ang nangyayari sa akin. Gusto kong tumayo at tumakbo ngunit ayaw kumilos ng katawan ko. Hindi ko na kontrolado pa ang katawan ko. 

Hinala ako patayo ng demonyo, kinulong niya ako sa bisig niya. Gusto ko magpumiglas at tadyakan siya pero hindi ko maigalaw ang katawan ko. Idagdag mo pang patuloy na may bumubulong sa tainga ako. 

“Woman!” 

Gusto kong lingunin ang nagmamay-ari ng tinig na iyon. Humigpit lalo ang hawak sa akin ng demonyo. 

“You need to sleep now, Rosane,” bulong ng demonyo. Nakita kong may tinurok pa siya sa balikat ko. Parang ilang segundo lang, bumibigat na ang talukap ng mga mata ko. 

“Don't fucking touch her, motherfucker!” tinig iyon ni Ohne. Pinilit kong lingunin siya. Hindi ko man kontrolado ang buo kong katawan, nakita ko pa siyang pilit akong kinukuha sa demonyo. Nag-aapoy ang mga mata niya sa galit, kunot na kunot ang noo at nangangalit ang mga ngipin. Sinuntok niya ang killer sa tagiliran, hinila niya ako at sinipa ang demonyo papalayo sa amin. Tinapik ni Ohne ang pisngi ko pero hindi ko na iyon maramdaman pa. “Woman, don't sleep... Don't fucking sleep! I'm already here!” 

Gusto kong sumagot sa kaniya ngunit hindi ko na makontrol pa ang katawan. Nakakapag-isip pa ako ng matino pero hindi ko na makakilos.

Unting-unting sumara ang talukap ng mga mata ko pero bago iyon, nakarinig ako ng pagputok ng baril. 





— 






“Oh, God!” tinig ni Havier ang siyang naulingan ko pagkadilat ko. Hindi ko pa masyadong maaninag ang mukha niya at nanlalabo pa ang paningin ko. “You finally awake. Thank, God!” 

Bumangon ako kahit pa nanghihina pa ako. Inalalayan naman ako ni Havier. 

“Ano ang nararamdaman mo, Valentina? Are you okay?” pagtatanong niya. “You want water?” 

Tumango ako, dali-dali naman siyang nagsalin ng tubig sa baso at inaabot sa akin. Naroon naman ang pag-aalalay niya sa akin. 

“Okay na...” paos na sabi ko. Binaba niya ang baso sa side table. Napahawak ako sa ulo ko nang may maramdamang kumirot. 

MADNESS IN LIFEWhere stories live. Discover now