"Prinsesa! Kailan pa kayo natutong magsalita ng ganiyan." Saway ni Helen.

I rolled my eyes. Kailan pa ba? Malamang simula pa sa dati kong buhay. Asal kalye kaya ako noon.

"In born kaya 'to kaya marunong na ako." Sagot ko na lamang at humiga.

Di nagtagal ay napatitig ako sa kisame pagkuwan ay sinulyapan si Carmen.

"Parang gusto ko ng cookies at tinapay." Pag-iiba ko ng usapan.

Ngumiti siya at tumayo ng tuwid. "Sige prinsesa, ipaghahanda kita." Yumuko ito at aalis na sana ng pigilan ko siya. Hindi mabubuo ang grupo nila kung di kasama ang dalawa.

"Sandali.." sinulyapan ko si Helen at Clara na nasa gilid ko. "Kayo? Di n'yo siya tutulungan?"

"Ngunit prinsesa wala pong magbabantay sa inyo." Helen

"Ey, kaya ko ang sarili ko ano kaba! Isa pa nariyan naman ang mga bantay sa paligid. Walang mangyayaring masama." At winagayway pa ang kamay sa ere.

I even smiled ear to ear just to assure them. Hindi naman sila nagpumilit at tahimik na lumabas. Alam nilang kapag hindi sila sumunod sa utos ko ay nagwawala ako. Baka tuluyan ng sumapi saakin ang pagiging baliw ni Baek In Ha. Pagka-alis nina CHC ay siya namang pagbangon ko. Great, this will be my chance to escape. Nangangati na kasi ang paa ko para gumala. Staka ko na poproblemahin ang sinabi ng hari!

Hindi ako papayag sa sinasabi niyang "Hindi ka maaring lumabas" pake ko sa batas niya.

凸( •̀_•́ )凸

Idinikit ko ang tenga sa pinto para pakinggan kung ilang bantay ba ang nasa labas.

Isa..dalawa..tatlo..anim..walo?

Woah! Ibang klase, walong knights ang nasa labas para bantayan ako?

Napaatras ako at napailing. Ganito pala feeling kapag sobrang love ka ng hari gah! (≧ヮ≦) 💕

Nilapitan ko ang balcony at tumingin sa ibaba. Meron ding mga bantay na umiikot o mas sabihing romoronda. Pinagsilop ko ang mga kamay at napangisi. Madali lang linlangin ang mga bantay na iyan, ganon ang mga nakikita ko sa tv, eh. Ganon rin naman ang mga pulis sa dati kong buhay.

Iniharap ko sa ere ang kamay to create a portal. Ngayon ay magagamit na kita! Mabilis akong pumasok sa nagawa kong portal at mahinang napatili.

"Tangina! Ang astig!"

Bulalas ko ng makalabas sa itim na portal at napatitig pa saking mga kamay. Para akong sumakay ng elevator pero madilim. Inilibot ko ang paningin sa paligid para malaman kung saan ako napadpad.

Tama nga ang hinala ko. Magagamit ko lamang ang portal sa mga lugar na napuntahan ko na. Kaya nga gustong-gusto kong makaalis sa kwarto dahil anong silbi ng void ko kung sa iisang lugar lang ako palagi. Nagsimula akong maglakad sa library at pinagmasdan ang mga libro. Right, nasa royal library ako. Minsan dito ako tinuturuan nina Fina at Waila. Lalo na kapag tungkol sa mga pangalan ng mga kasapi sa palasyo.

"Hera."

Napahinto ako sa paglalakad ng makarinig ng misteryosong tinig. Malalim at masyadong malayo. Hindi ko halos maintindihan ngunit alam kong pangalan ko ang binibigkas nito.

Not Your Typical FairytaleWhere stories live. Discover now