“I’m Rosane,” pagpapakilala ko. Nakarinig ako ng pagsinghapan. 

“Oh my God!” 

“Rosane Beindz?!” 

“Siya na ba ‘yon?” 

“Hindi ko agad siya nakilala!” 

“Ang kapal ng eyeliner niya!” 

Doon ko lang napansing mga Integrity ang  nandito. Nahagip ng aking paningin si Gariel, nakangiwi siya at halatang hindi natutuwa sa nakikita. Katabi niya si Ohne, wala namang emosyon ang mukha niya. 

I sighed. 

“Excuse me, Ma’am. Mauna na po ako, pasensya na po sa abala,” mahinang saad ko sa teacher. She just nodded.

“Woah!” si Aven, kararating pa lang niya. “Looks like you're just going to fight anytime, ah?” 

Inirapan ko siya. 

“Boots pa lang, nakakamatay na!” He laughed. “Oh! Anong nangyari sa mga kamay mo? Bakit naka-bandage?” 

I just shook my head. “Na-i-enroll mo ba ulit ako?” 

“Yes, ako pa!” Inabot niya sa akin isang  short envelope. “Na-settle ko na lahat, mabuti na lang napakiusapan ko si Mrs. Delman and Mrs. Alegre.” 

“Ayaw ba nila akong tanggapin?” 

Nag-aalinlangan siyang tumango. Napabuntong hininga ako at saka nanghimulsa. Tanggap ko naman, ito lang kasi ako.

“Sabi nga pala ni Mrs. Delman, dumaan ka muna sa kaniya bago ka muling pumasok sa klase mo.” 

“Anong section ba ako?” 

“Simplicity.” 

Mabuti na ring nabalik ako sa dati kong mga kaklase. Mahihirapan akong kumilos kung nasa pilot section ako. Wala na kaming ibang pinag-usapan pa ni Aven kaya naghiwalay na kami. 

“Miss Beindz?” 

“Ako nga po,” sagot ko. Batay sa reaksyon ni Mrs. Delman, mukhang hindi niya nagugustuhan ang itsura ko. Binaliwala ko iyon. 

“Naayos na ni Mr. Amadeo ang ilang documents mo. Nakakagulat lang muli kang papasok dito matapos ang isang buwan. Mukhang mahihirapan kang maghabol ng mga grades, hija.” 

Alam ko iyon. Kaya nga habang nasa Japan ako, inaaral ko pa rin ang ilang lesson, dinala ko pa ang mga libro ko roon.

Maraming paalalang sinabi si Mrs. Delman. Nagkunyari lang akong nakikinig sa kaniya ngunit ang totoo, lumilipad lamang iyon sa isip ko. Hindi ko naiintindihan.

I was on the ground floor of our building, I calmed myself. Every time I walk, I watch carefully. 

Ang ibang estudyanteng nakakasalubong ko, kusa silang lumilihis ng daan at lumalayo sa akin. Napangisi naman ako. Lunch break na kaya maraming estudyante ang nagpakalat-kalat. Nang nasa fourth floor na ako, nakasalubong ko ang ilang mga kaklase ko. 

Pare-pareho sila ng reaksyon. Tinaasan ko lang sila ng kilay at nilagpasan sila. Parang mga ignorante. Ngayon lang ba sila nakakita ng artista?

Hindi ko pinagpapansin ang mga tanong nila habang sumusunod sa akin. Pinapakita kong hindi ako interesado sa mga pinagtata-talak nila.

“R-Rosane...” 

Nagugulat na lumapit si Jahm sa akin. Binaba ko ang bag ko sa armchair. Magsasalita pa lang sana ako nang dinamba na niya ako ng yakap. 

“Luka ka talaga! N-Napakagaga m-mo,” gumaralgal ang boses niya. Humigpit ang pagkakayakap niya sa akin. Narinig ko ang mahihina niyang hikbi. 

“Letche ka!” 

MADNESS IN LIFEWhere stories live. Discover now