Ginamit ko ang pagkakataong 'yon para lumapit sa kanila. Bago pa man makatayong muli ang zombie ay pinukpok ko na ng bat ang ulo nito. Inulit ko pa 'yon ng ilang beses hanggang madurog ang bungo nito.

"Putanginang 'yan zombie nga!" bulalas ng kaninang babae.

Napatingin ako sa kanya. Bahagya pang napataas ang kilay ko. Her classy appearance didn't suit her way of speaking.

"Kingina! Gago! Akala ko joke time lang!" dagdag pa nito at nanlalaki ang matang tumingin sa akin, "Maya pala," pakilala nito saka nilahad ang kamay sa akin.

I only stared at her. Great. Another idiot.

Nilipat ko ang tingin kay Ingrid at sa katabi nitong si Sab. Nakatulala pa rin ang dalawa. Napahawak si Sab sa bibig niya, dumuwal ito at tumakbo papasok ng cubicle at doon nagsuka.

Napangiwi ako at pinuntahan na lamang si Lily. I also took a quick glance on the two guys and the kid. Katulad ng iba, they were also caught off guard. I can even hear a string of curses coming from Stefan. Mabuti rin at sinunod ni Russell ang sinabi kong takpan ang mata at tainga ng kapatid niya. That innocent child doesn't deserve to see this kind of monstrosity.

"Lily," mahinang tawag ko.

Wala sa sarili itong tumingin sa akin.

"Stay inside the cubicle, that doctor will turn soon," matamang sabi ko at nilingon ang iba, "Kayo rin, mas mabuting doon muna kayo."

"Bakit hindi na lang natin siya patayin ngayon habang hindi pa siya nagigising?" tanong ni Maya.

Umiling ako, "May kailangan pa ako sa kanya."

Sarkastiko itong natawa, "Paano? Eh wakwak na nga 'yong leeg. Hindi mo na 'yan makakausap!"

My brow shot up, "Sino ba nagsabing kakausapin ko siya?" I mocked.

Natahimik siya.

"Sumunod na lang tayo sa kanya..." kay Ingrid naman nabaling ang atensyon namin, mas maayos na ang lagay nito, her eyes bored into mine, "You're planning to observe her, aren't you? Like in an... experiment?"

The side of my lips rose. Finally. Someone smart.

Magpapaliwanag sana ako nang bigla ng manginig ang matandang doktor.

I gritted my teeth, "She's fucking turning! Go!"

Agad silang kumilos sa sinabi kong 'yon. Nang hindi gumalaw si Lily ay ako na ang nagtulak sa kanya papasok sa isa sa mga cubicle. May sasabihin pa sana ito nang samaan ko siya ng tingin.

"Lock the door, Lily." mariing sambit ko at hinintay siyang gawin iyon bago tumalikod.

Nagtama ang mata namin ni Russell na nasa cubicle na katapat lang ng kay Lily, kasama ang kapatid nito.

"Be careful," aniya bago sinara ang pinto.

I almost snorted to what he said. I'm already bitten. Kahit makagat ako ulit ay wala ng mawawala sa akin.

"I want all of you to stay quiet! Don't make any noise!" huling paalala ko sa kanila.

Nabalot ng katahimikan ang buong silid.

Hindi ko nilubayan ng tingin ang nanginginig na matandang doktor. I also made sure that there's a good distance between us. Hindi masyadong malayo at hindi rin masyadong malapit.

I waited for a few more minutes before the seizure finally stopped.

Tiim-bagang kong pinanood ang pagmulat ng mga mata niya.

I looked at my watch and check the time.

'7:10 PM'

Unti-unting tumayo ang matandang doktor. Hindi ito umalis sa kinatatayuan niya. She was just standing there while her head was mindlessly turning in different directions.

F*ck, I'm Infected?!Where stories live. Discover now