Pagkatapos kong gawin iyon ay namamangha ko itong nilapitan. Wow! I can't believe this! One of my powers is water element. I trace one of them at napatili ng malakas, napatalon pa ako sa tuwa.

"Princess! Anong nangyayari?" Sigaw ni Clara mula sa labas.

"Princess, may masakit ba saiyo? Hayaan mo kaming pumasok para ikay tulungan." Nag-aalalang katok ni Carmen.

Umiling ako at natawa ng bahagya.

"I'm fine..matatapos na din ako." Sagot ko sabay baling ulit sa water blades na ginawa ko.

This water element is my fourth elemental power. Yes, believe it or not.

I HAVE ALREADY GAINED THREE ELEMENTAL POWERS!

I already mastered the fire element when I was five which is good naman. Second is the void when I was six, medyo nahirapan ako sa isang yan dahil more on teleportation and portals sila. At sabi sa libro dark magician and witches ang usually gumagamit ng void element. Ang una ko namang inilabas na magical element ay Ice noong four year old ako. Pala-isipan parin saakin kung bakit sumobra sa dalawa ang nailabas kong magical powers.

Pagkatapos kong maligo ay mabilis ko ring inayos at ibinalik sa dati ang pader. Mahirap na baka magtaka sila. Pagkalabas ay agad naman akong binihisan ng tatlo. They tied my hair into a high ponytail which I always love. Maglalagay na sana ng make-up si Clara nang mabilis akong umiwas.

"Don't!" Pigil ko.

"Pero princess—"

"It's fine, Clara. Maganda parin ako kahit walang make-up." Nakangiting sabi ko at kumindat. Tumango naman sila at ngumiti rin.

"Tama ka prinsesa. Ngunit maglagay po kayo ng kaunti para sa iyong labi." I just smiled and nod.

Hindi naman makapal mag lagay ng palamuti si Clara sa mukha ko at inaayon niya parin naman sa aking edad.

She's very considerate.

Pagkatapos akong ayusan ay umupo ako upang kumain. Busy ako sa pagkain ng biglang may kumatok sa pintuan. Mabilis na lumapit si Helen upang ito'y pagbuksan. Pumasok ang isang maid at yumukod.

"Your grace, Lord Havoc is here to accompany you." the servant said with her head bowed.

Pinunasan ko muna ang bibig gamit ang table napkin pagkatapos tumayo.

"I see, I must go now."

Inalalayan ako ni Clara at Helen habang nasa likod ko naman si Carmen na may inihabilin pa yata sa babae. Naglakad kami papunta sa labas kung saan sina Havoc at ang karwahe.

Just like the last time I saw him. He's still wearing his butler outfit together with his cold expression. Ramdam ko rin ang iilang tilian ng mga maids. This guy is quite handsome at hindi iyon maipagkakaila. Mukhang sanay na ito sa mga babae dahil hindi manlang niya pinansin ang malalagkit na tingin ng mga ito.

"I greet your imperial highness, the princess."

"Good morning, Lord Havoc!" Masigla kong bati habang nakangiti.

Inalalayan niya ako sa pag-akyat at hinintay na makapasok sina Carmen bago isinarado ang pinto. When we're settled the carriage started moving. Ngumiti ako ng pagkalawak-lawak at inilabas ang katawan upang dumungaw sa bintana. The servants and some of the knights na naiwan ay nakayuko parin. Simula ng umandar ang sinasakyan ko ay hindi pa nila inaangat ang kanilang ulo. It's a sign of respect for saying goodbye...pero nakakangalay yun ah!

Not Your Typical FairytaleWhere stories live. Discover now