CHAPTER 55: EYES OF A RAVEN

142 13 0
                                    

CHAPTER 55: EYES OF RAVEN

THIRD PERSON'S POV

Maagang pumunta sa supermarket ang Auntie ni Jade matapos itong nagising. Pansin kasi niya na malapit ng maubos ang pagkain at basic nesseties sa kanyang bahay. Para maiwasan ang maraming tao sa loob ng supermarket, napagdesisyonan niyang maagang mamili para tahimik din ang paligid. Mas gusto din niyang lumabas na wala masyado pang tao.

Tinagal ng halos isang oras ang pamimili. Lumabas siya ng supermarket mataas na ang sikat ng araw. Dala-dala ang dalawang plastic bag naghanap siya ng masasakyan papauwi. Habang naghihintay ay parang may narinig siya malapit sa kinatayuan.

Nilibot niya ang tingin sa paligid, maraming beses din lumingon at hanapin kung saan nangaling ang ingay. Halos manliit ang mga mata niyang makitang may lumabas na kamay mula sa makitid na eskinita. Base sa laki ng kamay ay parang dalagita ito na hindi gumalaw.

“Hija?”

Lumapit siya roon, bawat yapak niya ay malakas ang tibok ng puso at kinakabahan. Mahina niyang hiling na wala sanang masamang mangyari. Tumigil siya ilang metro mula sa kamay at nakita din niya ang buong katawan ng dalagita pero ito'y nakahandusay sa lupa.

Bigla itong gumalaw ng mahina, nanginig ang buong katawan na halatang pinipilit ang sarili. Dahan-dahan inangat rin ang ulo ng dalaga hanggang magtama ang mata nila. Maluhang bumigkas ito ng salita sa halos walang boses nito.

“H-Help...me”

Nilapitan niya na ang dalaga. Hinawakan niya kaagad ang pulso nito, naramdaman niyang mahina ito. Tiningnan rin niya ito mula ulo hanggang paa at nakitang maraming galos ito sa katawan.

“Ano ang nangyari sa'yo?” tanong niya. “Paano ka napunta sa ganitong sitwasyon? May gumawa ba sa'yo ng ganito? Tatawag muna ako ng ambulansya para mapunta ka muna sa ospital”

Kinuha niya ang cellphone sa bulsa. Mabilis siyang nag-dial ng numero para sa ambulansya pero bago niya mapindot ang call button ay muli nagsalita ang dalaga. May napansin din siya sa kanyang likuran kaya't napatigil. Unti-unting nanliit ang kanyang mga mata sabay binaba ang cellphone.

“Hindi na po kailangan kasi ikaw ang unang mapupunta doon” diretsahang sabi ng dalaga at ngumisi sa kanya.

Agad siyang umiwas ng may pumalo sa kanyang likuran at nagmadali siyang tumayo upang harapin ito. Binitawan niya ang dalang plastic bag, sinamaan din niya ng tingin ang tao na umatake at tinaas ang dalawa niyang kamao.

“Pagod na talaga ako sa inyo. Hindi ba kayo titigil? Gusto niyong mamatay?” singhal niya sa kanila.

Mula sa pagkahiga ay tumayo ang dalaga tapos tinali ang mahaba nitong buhok. Matalim din niyang tiningnan ang babaeng nasa harapan niya at pinaikot ang kanyang mata.

“Bakit ako matatakot sa banta mo?” mataray nitong tanong at mahinang napatawa. “Alam namin hindi kana pumapatay ng tao katulad noon”

“Talaga?”

Sumugod ang lalaking may hawak pala na iron pipe. Tumakbo ito papalapit sa kanya at hahampasin sana ulit pero umiwas din siya. Maraming beses siyang hinampas nito pero ilang ulit din na umatras ang babae at umiwas sa bawat atake.

Sa una ay naiinis ang lalaki habang nakangisi naman ang babae. Sa huling paghampas niya ay pumunta siya sa kabilang direksyon. Pagkatapos ay malakas niyang hinila ang braso nito. Nanlaki ang mga mata niya na sa isang iglap ay binali ito tapos pinilipit ang braso. Siniko rin niya sa mukha ang lalaki at sinuntok ng malakas hanggang mapatras ito. Sinipa rin niya ito sa mukha at tiyan dahilan napaupo sa lupa ngunit hindi doon nagtapos.

HIDDEN FILES 2 Où les histoires vivent. Découvrez maintenant