18

3 0 0
                                    

I was in a consistent happiness after that. I've never felt this before. Kung parang nung isang araw lang ay masaya na ako sa pagkakaroon ng palihim napagtingin sakanya, ngayon ay wala nang mas sasaya pa sa'kin dahil kami na. Well, I guess Stage is happier.

He even posted a lowkey picture of myself, just showing my hair and dress on his social media account.

Maraming pinsan niya at kakilala ang nag comment sa picture na 'yon.

stagezequiel paradise

Natawa ako nang binasa ko ang iilang comments

yeuaxe_ sus anong paradise paradise eh babae mo nanaman yan

aceemontaruel Finally 😜🎊

vxyrilax wow seryosohan naba yan

zglacsamana she looks pretty

cageuphrosyne OMG!! Who's that, couz? Wanna meet her soon ❤️

jashlucas witwiwwwww umaarangkada ang pinaka mayaman kong pinsan 💗💗

brisaoirse oops I think I know her 😳

zairesamantila HOY ANO YAN!?

xau_ajax pakialam namin dyan sa paradise mo?

I rolled my eyes at Xautheus's comment. Pinagpatuloy ko muli ang pag-scroll sa comment section at nakita ang iilan pang comments mula sa followers ata ni Stage.

kateyfernndez @_jhanerachiel Haluh hindi na ata single si Daddy Stage 😭

reply to @kateyfernndez _jhanerachiel okay lang yan beh asawa nga naaagaw eh

reply to @_jhanerachiel kateyfernndez Sabagay 😋

Napangiwi ako sa maiksi nilang usapan. Do they want to be a third party? Mukha pa naman silang maganda sa mga profile nila.

I passed their comments and read more.

yenah_gandaaaah Aw sayang naman ☹️

jewelfionailagan congrats po! 💘🎉

sh4iramae Sa tingin ko seryoso na ito ngayon ❣️ Congrats, Stage!

I smiled when I saw Jewel Fiona Ilagan and Shaira Mae's comments.

Nahinto lang ang pag iiscroll ko nang nag ring ang cellphone ko. It was Stage. I accepted the call.

"Hello, po.." he greeted.

"Hi," I licked my lips.

"Kamusta ka po?" natawa ako sa tanong niya. Really? Parang magkasama lang kami kahapon ah?

"Okay lang naman, ikaw ba?"

Tumikhim muna siya bago sumagot, "Hindi parin talaga ako makapaniwala."

"Huh?"

"Na... tayo na.." pahina ng pahina ang boses niya nang sinabi niya yon.

Humiga ako sa kama, "You like me that much?"

"So so much. Feeling ko nga, more than like pa."

My heart warmed at what he said.

"I like you more." sabi ko matapos lumipas ang ilang minuto.

Natahimik ang kabilang linya, puro paghinga lang niya ang narinig ko. Pero maya-maya ay nagsalita siya, "I love you."

My heart skipped a beat again.

Elysian (Samantila Series #1)Where stories live. Discover now