12

5 1 0
                                    

I liked the picture after few minutes, and decided to leave the app so that I won't think of anything unnecessary, kaya nga lang, kagaya ng puso ko, hindi rin makalma ang utak ko sa pag-iisip.

Hindi ako nakatulog agad noong araw na 'yon. I just slept when it was already early in the morning, mga 3AM.

Buti nalang talaga ay wala ring pasok kinabukasan. Kaya naman nang nagising sa umaga ng linggo ay napagdesisyunan kong h'wag mag-cellphone.

I don't want to spend my weekend thinking about that.. That post of his!

I tried my best making my sunday cellphone-free. Wala rin namang plano ang mga pinsan ko ngayong araw kaya nag-stay nalang ako sa bahay na'min.

"Haze, paki-abot nga 'yon." ani Ate Alicia, isa sa mga househelpers namin. I decided to help them clean the house.

Ganoon lang ang nangyari buong araw, I'm close with the househelpers so I didn't really felt bored. I also felt very worked up because of how productive my day was.

Mabilis din akong nakatulog sa gabi ng linggo, dala siguro ng paglilinis buong araw. I guess, cleaning every sunday would be part of my hobbies. Bukod sa kumakain ito ng oras ay nauubusan din ako ng pagkakataon upang mag-isip ng mga bagay-bagay.

Kaya nang mag lunes ay wala na akong iniisip pa, bukod sa pag-aabang na maglinggo ulit upang makapaglinis sa bahay.

"Hi." si Guinevere na binati ako pagkapasok ko ng classroom.

Nagsalubong ang mga kilay ko, "Yeah?"

She stared at me and smiled, "You two are so lucky to have each other.."

Nalaglag ang panga ko sa sinabi n'ya. Ano ang pinagsasasabi ng pinsan kong 'to?!

"Huh?"

Unti-unting nawala ang ngiti sa mukha n'ya at tinignan din ako ng may naguguluhang reaction, "Hindi pa pala kayo, 'no?"

Hearing that, I speculated that this is about Stage and I. Specifically, doon sa pinost ni Stage. If it wasn't for that confusing instagram post!

I cleared my throat, "Magkaibigan lang kami, Blaid."

"But you two like each other, right?" she said innocently, parang iniisip pa kung tama ba ang sinabi.

"Hindi, Blaid. We're just friends. I don't like him and same with him, too."

"I think he likes you, Ame." deretsahan n'yang sinabi.

"He's a playboy, natural lang sakanya ang pinapakita niya sa'kin. I wouldn't hope for more." I avoided looking at her.

She shrugged, "I hope you're right."

Hindi ko na lamang pinansin pa ang sinabi n'ya. Nagsimula na ang klase nang dumating ang teacher na'min sa unang subject.

Nang mag-lunch ay sabay kaming pumunta ni Blaid sa cafeteria. Hiwa-hiwalay kasi kami ng section na magpipinsan kaya tuwing lunch nalang kami nagkikita.

Ramdam ko ang pagtingin sa'kin ni Blaid nang parehas na'min makita si Stage na nakaupo na sa mesa na'min at kausap si Cazian.

And it was not just that, mayroon naring pagkain sa side ko from a familiar cafè.

I shaked off the feeling of Guinevere's stares. Parang sinasabi lang sa'kin ng mga tingin n'ya na baka nga mayroong pagtingin sa'kin si Stage!

I honestly don't want to hope for more. Hindi naman ako yung dense talaga na klase ng tao. But I prefer expecting less than expecting more. Ayokong umasa sa pinapakita sa'kin ni Stage lalo na't sigurado akong magkaibigan lang kami sa paningin niya.

For sure, he treats Acee like this, too!

And maybe, he just wants me to try a new food, kaya binilhan n'ya 'ko, 'di ba?

Ganoon rin naman ang gagawin ko sakanya kung may pagkain na feeling ko'y magugusuhan n'ya.

"Hey," Stage greeted when he saw us.

"I bought you the new menu from the cafè na pinuntahan na'tin last enrollment. I bet you'd like it." he smiled at me with his dimples showing.

Napangiti ako sa ngiti niya, "Sige, I'll try it out."

"Uh, bili lang ako ng pagkain ko.." Guinevere cut us off. Nang tignan ko s'ya ay di s'ya makatingin sa'kin at nagmadaling umalis sa table.

As I sat down, Stage watched me. Siguro'y gusto n'ya talagang tikman ko ang bagong pagkain doon sa cafè na 'yon. He was even anticipating my move when I'm opening the box.

Does he like this too?

Nilingon ko na siya, "Gusto mo rin ba?"

Nagulat naman siya at tumawa, "No, I'm just excited to see your reaction."

Umiling ako at tinikman na ang tiramisu cake na pang isang serving lang.

It's yummy!

Lumingon ako kay Stage na nakatitig sa'kin at nag-thumbs up. He smiled. This cake is so yummy! I'm not a fan of sweets but this cake is an exception. Pakiramdam ko tuloy ay babalik-balikan ko ang menu-ng 'to sa cafè na iyon!

"This is tiramisu, right?" tanong ko matapos maubos ang sinubo kanina.

"Yeah, but that's like, the new and improved version?" he chortled.

I eyed him curiously, "How did you know that I'd like this one?"

Stage smiled sincerely at me, "I noticed that you like not-so-sweet desserts."

"Ha? Paano?"

"When we ate at the cafè. You ordered a croissant and vanilla frappè, which are not-so-sweet options."

Tinignan ko s'ya. He's an observant. Maybe it's part of his charms, kaya napapabilis ang pagkauhulog ng mga babae sakanya dahil narin siguro sa ugali n'yang 'yon? Imagine him giving you the things you wanted or liked because he noticed that you liked those kinds of things. He's indeed a boyfriend material if that's the case.

Parang nanalo kana sa lotto noon. Having a talented, handsome, rich and smart boyfriend would be a great flex. Isama mo pa ang ugali n'yang ganito, i'd say that his future girlfriend (o kung meron man ngayon) is lucky to have him.

Naputol lamang ang iniisip ko nang magsalita s'ya.

He smirked, "Kumain kana. Ako kakain n'yan sige ka."

I continued to eat. Do'n ko lang napansin na puno na pala ang mesa na'min ng mga pinsan ko na may kanya-kanya ring pinag-uusapan. However, just like the normal days, si Guinevere at Pacen ay nakikinig lamang sa pinag-uusapan.

I sighed, how could I not notice their presence?

Elysian (Samantila Series #1)Where stories live. Discover now