7

13 1 1
                                    

Nagising nalang ako sa isa sa mga guest rooms nila Briseis. Tinignan ko ang aking tabi at nakita si Guinevere.

I felt energized. Siguro dahil nakapagpahinga na rin ako ng maayos. I was so drained yesterday..

Umalis ako sa kama at pumunta sa cr.
I'm gonna take a bath. Para magising na ng tuluyan ang sistema ko at makapanhik na sa baba. Mabilis akong natapos sa pag ligo at pagbihis. Paglabas ko ng cr ay naabutan ko si Guinevere na gising na.

"Blaid, Baba na ako. Sunod ka nalang, ha?" sabi ko at lumabas na ng kuwarto.

She didn't answer.

Pagkababa ko ay dineretso ko agad ang kusina na may maliit na dining area. Doon ay nakita ko si Maze, Xau, Caz, Raiah at Pacen na nainom ng hot chocolate (we're not allowed to drink coffee). Si Maze at Raiah ay busy sa pag uusap habang si Xau at Cazian naman ay nainom habang nagcecellphone. Si Pacen lang ang nag-iisang dinidibdib ata ang pag-inom.

Binasag ko ang katahimikan, "Anong nangyari kagabi?"

Tumikhim si Raiah, "They were all wasted. Ang iba'y nasa kuwarto pa, halos lahat sila."

"Ginusto rin naman nila yan." ako ulit habang nag-iinit ng tubig.

Habang inaantay kong kumulo ito ay nagsalita si Maze, "Say thanks to Stage, Amaterasu. Grabe. Binuhat kapa ng tao dahil naglalamaw kana sa balikat niya kagabi."

My cheeks flushed. Oo nga pala!

"We were trying to wake you up, ayaw mo talagang gumising. Kaya ayan, nag presinta nalang siyang buhatin ka papunta sa guest room." dugtong ni Raiah sa sinasabi ni Mazikien.

I cleared my throat, "Nasaan si Bri?".

Natapos nang kumulo ang tubig at dahan-dahan ko na itong sinalin sa mug na may powdered chocolate drink at asukal.

"Ang impaktang 'yon. Nagpakasaya kagabi at pumuslit ng shot. I bet she'll be VERY grounded."

Natawa ako. Minsan lang kasi payagan ang isang 'yon. Kaya siguro nagpakasaya.

"Tawa tawa ka d'yan, say thanks to Stage, Ame!" si Maze ulit.

Umupo ako sa tabi nila habang hawak ang mug ng hot chocolate, "Oo na! Oo na! Mamaya!"

Ngumisi siya ng nakakaloko, "Pag hindi mo tinuloy 'yan, ha.."

I rolled my eyes at her and just started to drink my hot choco.  Maya-maya rin ay bumaba na si Guine at nakasabay na'min siya sa umagahan. Ilang minuto lang matapos ang pagdating ni Guine ay dumating naman ang wala pang ligong si Bri. Sabog-sabog ang buhok nito at mukhang wala sa hulog ang gising. She just sat and called a maid to make her hot choco.

"You didn't invite Acee, Bri? She chatted me last night, asking about our whereabouts." tanong ni Cazian habang naglalaro parin ng mobile game.

"She asked you probably because of Stage. Alam mo namang magkasama lagi ang dalawang 'yon. Saka open party ang party na'tin kagabi, meaning, an invited guest is allowed to invite friends, too." sagot ni Briseis habang kalmadong umiinom ng hot choco. Nakinig ako sa usapan nila.

"Aww! Sayang naman. It's Acee Montaruel."

"I heard her Tito Aris is planning to run this upcoming election, madadagdagan nanaman ang body guards nila." si Raiah.

"Where'd you got that chismis, Rai? Umabot sa inyo?" Maze asked with a lil bit of sarcasm. Mahina akong natawa.

"Gaga ka! We're family friends! Nakausap ni Kuya si Claude Montaruel last week. Nakwento n'ya na ayon na nga, tatakbo raw sa pagka Governor si Tito Aris."

Elysian (Samantila Series #1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora