3

13 1 0
                                    

Ngumuso ako habang tinitignan ang balat kong tamaan ng sinag ng araw. My skin went darker. Well, ayos lang naman sa akin 'yon dahil goal rin ito ng mga babae kong pinsan ngayong summer.

Today is my last day here in Tagaytay. Ang mga pinsan ko ay nitong monday pang nakauwi dito sa Pilipinas. Dapat nga ay nakauwi na rin ako noon, kaso, itong sila Mama ay naglambing sa akin at inextend pa ang bakasyon dahil minsan nga lang sila makaranas ng day off.

Miss na miss ko na ang mga pinsan ko. They're inviting me tomorrow to a get-together kuno naming magpipinsan but, I'm sure that they invited their own friends, too.

My cousins are always active on our groupchat, kaya lang, miminsan lang akong nakakapagreply dahil napupuno lagi ng mga aktibidad ang araw ko.

Noong unang dumating ako dito ay pinagtatyagaan pa akong i-chat ni Blaid pero habang tumatagal, nang ma-realize siguro nyang wala siyang mapapala kahit anong on-time na reply galing sa'kin ay tumigil din siya. She just said that she'll tell me her stories once we met.

I am not expecting very much, though... Hindi naman kasi adventurous si Blaid kaya.. katulad niya, wala rin akong mapapala sa mga kuwento niya.

"Mom, kailan ba talaga tayo uuwi?" lakas loob na akong lumapit kay Mommy para tanungin 'yon. Nakakabored din pala kasing lagi lang mag-isa..

"Do your cousins pest you? Don't worry, Ame, we'll be going home tomorrow. Malapit lang naman ang Manila." sumipsip si Mommy sa inabot niyang iced tea saka ipinagpatuloy ang pakikipag kuwentuhan kay Dad.

Ito ang ayoko sa mga matatanda. Masyado silang nakakabored kasama.

Bumuntong hininga na lamang ako at umupo sa ilalim ng puno. At least, the view here is refreshing.. Kaysa ipagpilitan ko pa kay Mommy na umuwi ay mananahimik nalang ako dahil alam kong wala akong mapapala. My parents are quite heartless when it comes to deciding..

Kilalang tahimik na tuso ang mga Samantila. Pinandigan 'yon ng parents ko. Kaya nga pati ako ay nadadamay sa mga desisyon nila sa buhay, e. I obey their rules and etcetera nalang para wala masyadong gulo. Unless.. syempre, kung hindi talaga ka-payag payag ang isa sa mga desisyon nila para sa'kin.

I believe that our parents only wants our lives to be easy. And they make us do the things they want because that's what they think one of the ways on how to have an easier life. Although, deciding for your child's future does not mean that you have to manipulate them. Iba naman 'yon. They're your blood, but, their life is not yours.

And.. yeah. That's the basic belief of mine.

"Stop leaning on the car's window, Amaterasu. Hindi ba nasakit yang ulo mo dahil sa sinag ng araw?" suway ni Mama nang makitang naka-sandal ang ulo ko sa bintana ng kotse na'min. We're on the way to our house. This day is super tiring. May pupuntahan pa naman ako mamaya.

"Yeah, Mom."

Inalis ko na ang pagkakasandal ng ulo ko sa bintana at inayos ang medyo nagulong headset. I am listening to some kind of "broken hearted" song right now. Feeling ko tuloy, may boyfriend ako.

I've never felt an attraction towards to  the opposing gender. That's why I only feel romance with love or broken heart's songs. Sa mga nababasang libro, rin. The romance I feel is probably somewhat far from what real romance is. This feeling of mine is just based of from other people's experiences. I suddenly wondered if I could write a song or poem for someone I love in the future.

Bumuntong hininga na lamang ako nang makita si Maze, Blaid at Xautheus na naghihintay sa sala na'min. They look like they're enjoying their ice creams. Kaya sana, 'wag na nila akong gambalain at hayaan nalang magpahinga sa araw na 'to.

"Long time no see, Amaterasu Haze!" the loud voice of Mazikien got through my eardrums. I fake smiled at her.

"I think, we should just let her sleep, Maze. Tita said they travelled for hours. Nakakapagod 'yon." ang mahinhing si Blaid ang sumagip sa'kin mula sa isa sa mga spoiled brat ng mga Samantila. Nginitian ko sya.

Bumusangot naman si Maze, "Come on, Ame! Socialize! For sure puro damo nanaman ang kinausap mo roon sa Tagaytay. We're complete today, Ame. Nandito rin sila Reoh."

"Damn shit. I'll never be able to handle the tiredness if I were Ame. Baka masapak ko lang ang kung sinong nagyayaya sa'kin." kumento ni Xautheus na nakain lang ng ice cream sa gilid.

"But you should never waste this chance-"

"Hindi naman nakatira sila Reoh sa ibang bansa kung mag yaya 'tong si Maze." Xau rolled his eyes.

Tumawa nalang ako habang concerned naman akong tinignan ni Guinevere Blaid.

"Whatever! Basta give me a time to nap first!"

Pakiramdam ko ay nag-shine ang mga mata ni Mazikien sa sinabi ko. "Of course, Ame! Gisingin ka nalang namin, hehe!" umismid nalang ako sakanya at pumanhik na sa taas.

Before I dozed off to sleep, I changed my clothes first.

Hay. I wish that Maze will give me more time to rest.

And with that, I entered sleep land.

Elysian (Samantila Series #1)Where stories live. Discover now