"Pumasok ka sa kuwarto mo, Clark bantayan mo! Check her condition, feel free to call me if ever you'll find some injury...serious or not, CALL ME!"

Sinenyasan niya akong tumaas na siya ko namang ginawa. Bago pa man ako maka-taas, nakita kong kinuha niya ang susi ng kotse bago nagmamadaling lumabas. Nagpatuloy ako sa pag-akyat papunta sa kuwarto ko.

Natapos na ako sa paliligo. Napa-iktad naman ako nang makita si Kuya Clark na naka-upo sa kama ko. Naka-ngiting aso pa ang loko. Nagsalubong ang kilay ko nang makita siyang naka dekwatro sa kama ko. Tumuloy ako sa paglalakad papunta sa mirror table ko. 

"Ginagawa mo dito? Bawal tuko dito" pagbibiro ko.

"How are you?" biglang naging seryoso ang boses at mukha niya na siyang dahilan para matawa ako.

"Nuks, na-miss mo'ko Kuya?"

"How's your condition?" aniya sa seryosong boses.

"Ang OA niyo, ayos nga lang ako" may pagka-ilang akong natawa.

"Are you sure?"

"Oo nga!"

"Goddamn lil sistah, muntik na akong ilubog ni Kuya Sean sa ilalim ng lupa nung hindi ka ma-contact"

Napatahimik ako habang dahan-dahan kong kinukuha ang blower mula sa drawer sa di kalayuan.

"Sa susunod magpaalam ka naman, hindi 'yung hanap kami ng hanap sa'yo. Muntik mo ng mapabalik mula sa Singapore si Dad"

Napatikhim ako.

Ganoon pala sila ka-grabe sa pagaalala nung nawala ako saglit at hindi man lang nasasagot ang mga tawag at text nila. Napaka-OA pero okay lang, medyo masarap sa pakiramdam lalo na nung narinig ko kung gaano nag-alala si Dad.

"Si Papa? Tumawag man lang ba siya sa inyo?"

"Tinext ko pero hindi na nagreply. Wala rin naman kaming na-receive na kahit anong  message o tawag mula sa kanya"

"Nabasa niya 'yung message?" tanong ko habang patuloy sa pagpapatuyo ng buhok ko.

Tumango si Kuya Clark na dahilan naman para mapatikhim ako at pigilan ang kung anong naramdaman ko. Hindi ko maipaliwanag, galit? lungkot? pikon? pagkadismaya? 

Hindi pa rin talaga ako natututo, hindi nga siya pumunta nung siya 'yung tinatawagan ko ten years ago ngayon pa kaya? Nung time na inaasahan ko siya para iligtas kami ni Mama, wala siya.

"Look lil sistah, we have Dad and Kuya Sean to protect us. You have me to keep your safety, i'll do my best to fulfill that duty"

"Kaya ko naman 'yung sarili ko eh"

"I'ts my duty, our superior oredered us to take care of you"

"Superior?"

"Si Mama" aniya bago lumapit para mariing pisilin ang ilong ko.

Nahampas ko ang kamay niya dahil sa pagkakahigpit ng pagpisil niya sa ilong ko. Nang bitawan niya ito, nakita ko mula sa repleksyon ko sa salamin ang namumula kong ilong. Dinig ko naman ang malakas na hagalpak ng tawa niya nang makitang namumula ang ilong ko.

"No joke, sinaktan ka ba nila? May ginawa ba sila sa'yo?"

"Wala nga!" irita kong sagot dahil sa paulit-ulit na pagtatanong niya.

"Kuya"

"Hmmm?"

"Kuya, aalis ba ako? Mag-transfer na lang kaya ako? May narinig akong school na malapit lang rin dito eh, Athenas ba 'yun?"

Agad namang umiling ng maka-ilang ulit si Kuya Clark.

"Ayaw na ayaw dun ni Kuya Sean sa school na 'yun. Sinabi ko na rin 'yun sa kaniya kasi may pagka-sikat 'yung school lalo na sa IG at Twitter pero ayaw niya Kuya. Huwag na huwag ko raw mababanggit ang school na'yun kasi kaaaway daw 'yun ng Evanston Bakit nga pala gusto mong mag-transfer aber?"

"Ayaw nila ako eh"

"Ayun lang? May mga may ayaw nga din sa'kin sa mga kaklase ko eh, paano ba naman napaka pogi ko tumataas ang insecurity level nila"

"Kuya mahiya ka naman, ang kapal ng mukha nito kapag may makarinig sa'tin baka ipa-tokhang ka pa"

"Ay bad!" aniya na umaktong nasaktan habang napasinghap at napahawak sa dibdib.

Natawa naman ako dahil sa naging reaksyon niya.

"Libre kita, punta tayo sa tiny mart" aya ni Kuya Clark.

"Gabi na oh, magagalit si Kuya Sean"

Pero libre daw kasi eh, libre.

"Okay lang 'yan kasama mo naman ako eh. Kapag nahuli tayo, ako naman mapapagalitan. Ano, tara?"

Bawal tumanggi sa biyaya!

"Tara!"

"Ako bahala sa'yo sistah" aniya habang naka-akbay sa'kin.

Inilabas niya ang wallet niya, ipinagmayabang niya ang perang mayroon siya. 

"Gagagstusin ko na lang 'yung allowance na ibinigay ni Dad panlibre sa'yo, ang pangit mo eh mukha kang maiiyak na ewan. Sabi ko naman sa'yo 'wag mo na asahan 'yung pudra na'tin na mag to the rescue, hindi niya 'yun gagawin sa ating tatlo. Kung aasahan mo 'yung pudra of us na mag-rescue, para kang naghihintay ng eroplano sa pier" kahit na may pagka-bakla ang mga salita niya, malalim ang boses niya.

Kaya kahit magpaka acting siya ng bakla, lalaking-lalaki pa rin ang dating.

"Hindi naman ako umaasa dun eh"

"I'm here, hmmm? We're here to protect our princess, i hope we're enough for you"

The Only Peach In Five Apples [Under Editing]Where stories live. Discover now