Chapter 37

25.8K 427 149
                                    

Chapter 37: Baby, please


I pursed my lips and gently caress the backs of the scared twins. Inosenteng tumingin sila sa akin bago nagtago sa aking tiyan at hinigpitan lalo ang hawak sa aking baywang.

Nakaupo kami sa couch, nasa kabilang sofa ang pamilya ni Fidai. And he is sitting beside me like a displeased beast looking at his pack.

"Hija," Tita Symfle nervously called me.

Mas lalong nagtago ang kambal sa aking tiyan at ayaw tumingin sa mga bisita namin.

"Sinong nagsabi sa inyo na nandito sila?" baritonong tanong ni Fidai.

"A slip of tongue from Leyox, son." tugon ni Tito Leonardo.

"Herminia and I will slice this pie. Can we use your kitchen, Fidai?" marahan na singgit ni Madame Eugenia.

Tipid na tumango lamang si Fidai sa tiyahin. Naiwan kami sa living room kasama ang magulang niya at ang Lola niya. This is the very first time that I am in the same room with Do?ia Kachia. Kaya doble ang aking kaba na nararamdaman maliban sa nandito ang magulang ni Fidai.

"How are you, hija?" nakangiting tanong ni Tita Symfle.

I smiled too, shortly. "I'm fine po."

"I'm happy you're back. Uh, this is Mama... Fidai's grandmother." pakilala niya.

"Nice to meet you, Madame..."

Kinagulat ko na ngumiti siya sa akin. Tila tumaas ang bigat ng aking dibdib. Kinakabahan ako pero nang ngumiti siya sa akin, unti unti itong humuhupaw. But still, I can't escape from the eyes of Fidai's parents.

"This... This is the twins?" maingat na banggit ni Tita Symfle habang nakatingin sa nagtatago na kambal.

I nodded slowly and tried to get my kids raise their heads to face their grandparents and great grandmother.

"Mama..." mahinang iling ni Austin.

"Baby, they're your Lola and Lolo too." I softly explained. "They're Papa's parents."

Umangat ang tingin niya sa akin. Binuhat siya ni Fidai patungo sa kandungan nito habang nakatingin pa rin sa akin ang mata niya. Si Tina nagtatago pa rin sa akin tiyan, hindi ko mapaupo dahil mahigpit ang yakap sa baywang ko.

"But I already have my Lola." aniya.

"You have another Lola and Lolo, baby. They are my parents, that's Lola Symfle and Lolo Leonardo." malambing na pahayag ni Fidai sa anak.

Tumingin si Austin sa kanila. Narinig ko ang pagsinghap nila Tita Symfle at Do?ia Kachia nang nakita si Austin. Napahawak pa si bibig si Tita at tila naiiyak habang nakatingin sa bata. Tito Leonardo was strucked as well.

"Don't you want more Lolo and Lola, Austin?" tanong ko sa kanya.

He pouted handsomely. I smiled sweetly at my cute baby boy and kissed his cheek.

"Go... Mama and Papa will be here." sabi ni Fidai.

Binaba niya ang anak namin at may takot pa na dumaan sa mukha nito. I smiled more to encourage him and he took his twins' hand.

"Let's go..." aya niya kay Tina.

Umahon si Tina at tumingin sa amin. Fidai took the hair on her face and arranged it to the back of her ears.

"Go, baby... They aren't monsters," malambing na sabi niya sa mga bata.

Maghawak kamay na lumapit ang kambal sa kanila. Mahina lamang ang lakad at bumabaling pa sa amin ni Fidai. I smiled widely at my lovely babies. Sinalubong naman sila ni Tita Symfle at Tito Leonardo.

Hide And Seek (A Series #4)Where stories live. Discover now