Chapter 5

22.8K 460 97
                                    

Chapter 5: Power

Fidai:

Nasa condo na ako.

Gumulo ako sa higaan at nagreply.

Ako:

Okay.

Fidai:

Are you really okay?

Kanina pa niya ito tinatanong habang pauwi kami. At nagagalak naman ako na iyon ang tanong niya dahil kung hindi, paniguradong wala na naman akong ibang iisipin kundi ang halik niya.

I've never been kissed. A stranger was my first kiss and like my first everything. Oh my God. Iniling ko ang aking ulo at gumulong muli sa higaan.

Ako:

Of course. Good night.

Fidai:

I was worried. Good night and sweet dreams.

Kanina, hiningi niya ang numero ko. Kaya ito ngayon, naka-phonebook na.

Biglang may kumatok sa aking pinto kaya napabaling ako. "Come in,"

Lumuwal si Kaden doon. May dalang notebooks sa kanyang dibdib at dahan dahang naglakad papasok pagkatapos sinirado ang pinto.

Dumaing ako ng pabiro. "Essays again?"

"No. I have advance algebra to answer."

Umupo ako at tinapik ang aking tabi. "May tutor ka naman ulit sa sabado kaya wag ka ng mag-alala."

"Pina-cancel ko."

Kumurap kurap ako at napatingin sa kanya. Nananatiling nakatitig siya sa notebook na binubuksan at libro na nilalatag sa higaan.

"Mas mahal ang private tutors ngayon, Ate. Kaya ko namang makikisama sa normal na pag-aaral."

"Hindi, Kaden. I don't doubt your capabilities pero passion mo ang pag-aaral. Hindi ko gustong nag-a-adjust ka dahil sa sitwasyon. Kaya naman nating bayaran ang private tutor mo, e."

"Nakita ko ang passbook mo, Ate." kalmado niyang agap.

Natutop ang aking labi, hindi nakapagsalita.

"Doon mo kinukuha ang tuition ko at miscellaneous fees plus the house necessities." patuloy niya. "Hindi iyon para sa akin pero ako ang panay ang gasta roon."

"Kad. Hindi pa pwedeng makuha mo ang savings mo. Hindi ka pa legal kaya wag mo ng aalalahanin kung anong nakuha sa akin." marahan kong sinabi.

"Tapos hindi mo na nagagawa at nabibili ang gusto mo."

"Kad,"

"Ate, loosen up. We cannot live in the past so let us enjoy the present. And enjoying the present means all of us has to let go of our burdens. You deserve to enjoy life, Ate."

Ngumiti ako at inabot ang ballpen. "I am enjoying life, Kad. Don't worry. So, where to start?"

Binuksan niya ang pahina ng libro kasabay ng pagvibrate ng aking cellphone. Kinapa ko iyon at binuksan ang mensahe.

Fidai:

Matutulog ka na?

Ako:

Hindi pa

Fidai:

Okay. Ako rin.

Napairal ako sa kawalan ngunit sumisilay ang ngiti sa gilid ng labi. Bahagyang naningkit ang mata ni Kaden sa akin kaya ngumiti lamang ako bago tinugunan ang panibagong mensahe.

Hide And Seek (A Series #4)Where stories live. Discover now