Chapter 31

17.9K 425 120
                                    

Chapter 31: Who

Umigtad ako ng biglang tumili si Tina. Si Austin naman ay busangot ang mukha. Halos buong biyahe tulog ang dalawa. Nagigising lang tuwing stop over kaya heto, sobrang energetic ni Tina.

"Philippines, I miss you!" tili niya nang lumabas na kami ng immigration.

Natawa kami sa inasta ng aking anak. Buhat buhat siya ni Mommy ngayon. Maka-I miss you siya mukhang nakaapak na noon ng Pilipinas.

"Mama," Austin called in a lazy tone.

Binitawan ko ang luggage namin upang mapalitan si Kaden sa pagbubuhat sa kanya. Agad siya yumakap sa aking leeg at sumungkal pa.

"Austin, ano ang masasabi mo?" nakangising tanong ni Kaden.

Umahon siya sa aking leeg at unti unting sumigla ang mukha. Kumunot ang aking noo.

"Papa, here we are!" he cheekily shouted.

My eyes widened and I immediately glared at the smirking Kaden Haire Felicano.

"I mean, hindi ko naman sinabi kung sino, Ate."

"Sinabi ko naman na 'wag n'yong palaging tinuturuan sila ng ganyan." mataman kong sabi.

"They were the first one who asked for Kuya Fidai--I mean, their father, Ate."

"Alam ko 'yon. Pero..." I trailed off. "Forget it."

"Ano'ng kinakakatakutan mo ngayon, Ate?" kunot noo na tanong ni Kaden.

Tinapunan ko siya ng tingin. "We've been over this."

"And you kept dodging the question. Great." aniya at hinila ang luggage upang makasabay sila Mommy na nauna na sa amin.

Kahit nasa loob pa, nakita ko na sila Jason kasama si Bethany, the girl that made him the man he is today. Hindi ko rin inakala na magbabago si Jason. I mean he always loves men but because of that one night in a bar, he met Bethany, the runaway daughter of a known businessman-politician.

Lumundag pa si Bethany habang winagayway ang banner na dala. Nakatawa ako. May pa-banner pa sila na may nakasulat na 'Welcome Home' with heart and smiling emojis. Inaalalayan naman ni Jason ang girlfriend habang lumundag ito.

"Hi!" bati ko sa kanila.

"Ang cute nila, Ee!" mangha na sabi ni Bethany.

"Say, 'Hi' to Tita Bethany, Tina, Austin." tugon ko sa mga bata.

"Hi," masiglang bati ni Tina.

"Hi,"

"Welcome home," si Jason.

I grinned. "Thanks. May a-attendan ba kami na kasalan nito?"

Namumula ang pisngi ni Bethany at suminghap naman si Mommy. Napansin ko kasi ang diamante sa daliri ni Bethany. It shines when the sun's ray hit a particle molecule.

"You two are engaged already?!"

Tumawa ako. Ngumisi naman si Jason at hinalikan ang pisngi ng nahihiya niyang fiancee.

"Yes, Tita. I proposed to her last month."

"Oh my! Congrats!"

"Congrats, Jason, Bethany." sabi ko na may malapad na ngiti.

"Thanks," hagikhik ni Bethany. "Let's go? You must be starving."

Sumakay na kami sa van nila at ang mga lalaki na ang naglagay ng mga luggage sa likod. Aliw na aliw ang kambal sa paligid habang bumabyahe. They are so adorable pointing building and gasping and muttering at each other.

Hide And Seek (A Series #4)Where stories live. Discover now