Chapter 21

18.8K 378 37
                                    

Chapter 21: Running

"Ayaw kong bumalik sa condo. I'll fucking miss sleeping beside you," namamaos niyang bulong at niyakap ako ng mahigpit.

Nakatalikod ako sa kanya. His right arm wrapped above my chest while the other is on my stomach. Nasa aking batok naman ang kanyang labi at nasa leeg ko ang kanyang mukha.

Kahapon pasado alas dose na nakauwi ang pinsan niya. Doon ko lang namalayan nang tumabi siya sa akin. At dahil matagal siyang nagising kinabukasan, around noon na kami umalis ng condo niya upang mamasyal. We toured around the city and stopped at small time tourist spots. At ito na kami ngayon, umuwi na ng mansyon namin ngunit hindi pa rin ako binibitawan ni Fidai.

Nakapaghapunan na kami sa labas kaya hindi nakasabay kina Mommy at Kaden sa labas. Around thirty minutes has gone to pass and we remained here in my room. Tila kay tagal ko ng hindi nakapasok dito pero ang bilis lang natapos sa araw na "nagbabakasyon" ako sa condo ni Fidai. Nakakalungkot din.

"Sleepover is literally over." mahina kong bulong.

He breathed harshly on my neck and planted consecutive wet kisses. Tila minamarkahan niya ako.

"Can I bring you with me? I wanna put you in my shirt or pocket," malamyos niyang sambit.

Humalakhak ako. It's part 9 in the evening and he's still haven't decided to go home. Kanina pa siya halos ayaw akong bitawan. He even managed to trick me and I left my clothed in his unit. Purse ng cellphone at wallet lang ang nadala ko pauwi.

"I don't want to go home on an empty bed," he murmured under his breath.

Nakikinig lamang ako sa ingay ng paligid. Pinaghalong paghinga niya na malapit lang sa akin, tunog ng aircon, munting ulan sa labas at bawat pintig ng aking puso. I rested my whole body on him.

"Anong oras ka ba uuwi?" marahan kong tanong.

He replied with a kiss on my cheek. "Later,"

Ilang ulit na ang 'later' na iyan. Ayaw niya talagang umuwi sa condo niya kahit may trabaho pa siya bukas. Binaba ko ang kamay niyang tumataas na sa aking dibdib habang naglalaro ako sa cellphone.

"It's raining outside. The heavens are sympathizing my loneliness..." he lowly said.

A smile crept on my face and I rolled my eyes. "Drama King. Umuwi ka na nga,"

"Later."

Tumayo na ako at humiga sa higaan. Sinusundan niya ako ng tingin at ngayon ko lang napansin na nagpupumungay na ang mga mata niya. I unconsciously yawned. He sighed. Narinig yata ang isang 'to.

"Uuwi nalang ako,"

I raised a brow. "I thought you'll push your way here."

Umiling siya.

"Ayaw kong magalit Mommy mo sa'kin."

Umuwi talaga siya sa gabing iyon. He asked to call me after I took a shower and we remained in the call until I fell asleep. Nakalimutan ko na katawagan ko na pala siya at kinabukasan ko natingnan muli ang cellphone.

I was about to spend my day in our poolside because Fidai is not around to kill time with me, but then, an email from the hotel I'm applying for notified me.

Bumalikwas ako ng tayo sa nabasa. I read the scheduled time for the interview and the time is before noon. Kinakabahan ako bigla habang nagpapatuloy sa pagbabasa. The email said they are sorry for the sudden schedule but it could no longer be moved for it's the peak season for tourists.

I threw my phone on the bed and went inside the closet. Pinili ko ang pormal at conservative na damit. Itim na longsleeves tsaka tinupi ko ang sleeves nito ng ilan. Pinares ko sa suot ang puting may katamtaman ang haba at kulay puti na may maliit na slit sa kaliwa. I tucked my blouse in my skirt and reached for a pair of black stilettos and a white coat to match my skirt.

Hide And Seek (A Series #4)Where stories live. Discover now