Chapter 36

25.4K 471 84
                                    

Chapter 36: Surprise

"I want them to go home to me. Pormal po akong nanghihingi ng pahintulot sa inyo." he formally said in front of my family.

Si Kaden gulantang nakatayo kanina pa nang nakita si Fidai na lumabas sa kwarto kasama ang kambal. Ngumuso ako at nananatiling nakatayo sa tabi.

Mommy, Tita Kristen and Tito Mikael are sitting on the couch. Fidai is on the opposite with the twins on his lap. Pabaling baling ang tingin ni Kaden sa akin at kay Fidai.

A nervous chuckle came out from Mommy. She looked at me but averted it back to Fidai.

"The twins?" tanong ni Mommy.

"And Aiofe. She's my girlfriend."

Silang apat bumaling sa akin na tila gulat at natutuwa. Humalakhak si Tito Mikael at tumayo. Tinapik niya ang balikat ni Fidai habang tumatawa. Ngumuso ako nang nakatingin si Mommy sa akin na may nagtatanong na mukha.

"I have no problem with that, hijo. As Aiofe's Tito. Basta siguraduhin mo lang na hindi mo sila pababayaan dahil sa oras na marinig kong inaapi sila, ako mismo ang kukuha sa mag-ina mo. Hindi mo na sila makilita muli," seryosong sinabi ni Tito.

Seryosong bumaling si Fidai sa akin. Unti unting sumilay ang ngiti sa labi niya at naglahad ng kamay sa akin. Kinakabahan tuloy ako roon. Ano na naman kaya ang pakulo nito!

"I will treasure them with all my heart, Sir." pormal niyang tugon. "Makakaasa kayo,"

"So, saan sila tutuloy? You have a penthouse, right?" singgit ni Mommy.

Tumango si Fidai. "Pansamantala lang kami roon. Magpapatayo ako ng bahay para sa kanila, sa pamilya ko. You can visit them anytime, Madame."

Napatuwid ang upo ni Mommy sa pormal at diretsong sagot ni Fidai. Tumikhim pa siya at pinandilatan ako. It might be because Fidai is addressing her too formally. Iniwasan ko na lang si Mommy at huminto sa gilid ni Fidai.

"Oh, wow!" puri ni Tita Kristen sa sinabi ni Fidai. "I bet it's gonna have a big lawn for the kids to run around."

"I bought a land already, Ma'am. I'll meet with the Architecture next week. The house will be designed according to what Aoife wishes for our home." aniya.

Hinanap niya pa ako sa dating kinatatayuan nang wala na ako roon, napalinga siya. I smiled at him and he pulled my waist to get more closer with him.

Nakadungaw ako sa kanya at nakatingala naman siya sa akin. Ang kambal sa kanyang kandungan ay tahimik na nilalaro ang susi ng kanyang sasakyan. They are silent but they are listening as well. Lalo na kapag si Fidai ang nagsasalita.

"Was I moving too fast?" malamyos niyang bulong sa akin. "Ayaw kong papatagalin ito. Gusto kong magsasama na agad tayo sa iyang puder."

Ngumuso ako ng bahagya. Binaba ko ang aking kamay sa kanyang braso. His eyes fell to it before he looked up to me again. I smirked at him. Tinaasan niya ako ng kilay ngunit may ngisi na nagtatago sa labi.

"Ikaw nga bahala. You're the head of the family," marahan kong bulong.

Ngumisi siya at binaba sandali ang tingin sa aking labi. "Crouch down, please..."

Tinaasan ko siya ng kilay bago yumuko. He kissed my ears before whispering something. Umiinit ang aking pisngi sa ginawa niya dahil akala ko may pinag-uusapan sila Mommy roon sa kabilang couch, iyon pala nakatingin lang sa amin.

"Get ready to walk down the aisle. Your promise to marry me needs to be fulfilled." mainit niyang bulong sa aking tainga.

Umawang ang aking labi at kinagat ko lang ang aking pang-ilalim na pisngi. Halatang namumula na ang aking mukha dahil naramdaman ko ang pag-stretch nito. Kinirot ko siya sa tagiliran bago tumayo ng tuwid. He lowly chuckled and caress my waist teasingly.

Hide And Seek (A Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon