Chapter 26

17.2K 336 19
                                    

Chapter 26: Reveal


"Frenny! Guess what. I'm going home!" sigaw na bungad ni Jason sa akin nang tinanggap ang tawag niya.

Nilayo ko ito agad bago binalik nang kumalma na siya sa excited na sigaw.

"Halata nga naman."

Tumawa siya. "Didiretso ako sa inyo pag-uwi ko. Ang dami mong chika para sa akin, dapat ko marinig lahat."

Ngumisi ako bigla at natawa. "Umuwi ka muna,"

"Oo nga. Next week, nariyan na kami. May inasikaso kasi si Dad dito. Basta, ang chika, frenny!"

Napailing nalang ako. Ang hyper talaga ng isang ito. Nagpaalam na kami sa isa't isa nang natapos ang aking lunchbreak.

I have gotten used to work na. Like hindi talagang sanay na ako sa lahat pero nalalaman ko na kung saan patungo ang mga ganito at saan ang mga statements at papeles na ganito papunta. Everything went smooth and we called it a day.

Huling araw ko na rin sa condo ni Fidai ngayon. I'll be back in the house tomorrow, Sunday. Napatingin ako sa mga palamuting binili ni Tita Symfle sa akin kahapon. She even brought some for Mom. She's so kind.

And speaking of my mother, I still don't have it in myself the words and the letters and the sentences to tell her about what I knew. Or dapat ko nga ba itong sabihin. Pero it is only her right to know, right?

Ngumuso ako. Fidai is beside me, closing his eyes to sleep. Hindi pa ako inaantok kaya ito ako ngayon, dilat na dilat. Sa kabila naman, siya itong dumating galing sa trabaho na agad sumalampak sa akin. I managed to pushed him for dinner and after he changed his clothes, he immediately pulled me to bed.

Naging unan niya pa ang aking dibdib. It's like the wind has changed it course. Siya naman itong nagpa-cuddle. Tahimik kong minamasahe ang kanyang ulo.

"Hmm..." he groaned softly.

Pinagpatuloy ko ito. Mukhang nagustuhan naman niya. I kept caressing his head until I dozed myself off to sleep.

First thing in the morning after shower and breakfast, he drop me off to our house. Iyon kasi ang pinangako kay Mommy kaya tinupad naman niya. At ito na naman ako, kinakabahan kahit nasa sariling bahay.

"Kuya Fidai!"

"Hi, Kad."

"Kuya, will you be there at my Closing Ceremony?"

Humalik ako sa pisngi ni Mommy na kakalabas lang sa lobby.

"Morning, Mom." mahina kong sabi.

"Good morning, Tita," si Fidai.

She smirked. "Good morning you two. Kaden got many awards. His teacher called me this morning."

"Congrats, Kad. Sasama ako sa inyo sa araw na iyan." sabi ni Fidai.

Lumapad naman ang ngiti ni Kaden. "Cool!"

"He really likes Fidai,"

Mom chuckled when Kaden pulled Fidai away. My boyfriend gave me a sly smile which made me laugh lightly.

Is this now the right time?

Humugot ako ng malalim na hininga at nagpasya na lamang sa kwarto. I ended up not telling her. Nagpunta lang ako sa kwarto niya upang maibigay ang regalo ni Tita Symfle pero hindi ko nagawang banggitin ang tungkol sa itim na folder.

It's not that she's not ready, it is me that's not ready. This is a truth revelation about her parents, about my grandparents. The mother and father my Mom never saw and lived with.

Hide And Seek (A Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon