"Qabis..." parang batang sumbong ko.

"Qabis" sabi naman nung lapastagan.

"The F*ck ano ba ginagawa niyong dalawa??!!! Magpapakamatay kayo??" reklamo ni Ethan.

Nang magkasalubog ang tingin namin, agad naman siyang napanga-nga.

"What the---"





Ethan's POV

I was surprised when i finally recognize the two girls, fighting in front of school driveway. Mabuti na lang at hindi ko sila nabunggo, kaya wala silang natamong injury na kagagawan ko. Pero sa tingin ko, si Amber ang mag c-cause ng injury kay Ruri kung hindi pa kami dumating.Agaw pansin ang eksenang ginawa nila, kaya napapalibutan kami ng kumpol-kumpol na mga estudyante.

"Ano ba ang problema niyo?" tanong ko sa kanilang dalawa.

Nag-iwas tingin naman si Amber kay Qabis. Sumunod kong tiningnan ay si Ruri, halos maghimutok siya sa galit.

"Sino ba 'yang babae na yan?! Basta-basta nananabunot ang bruha!"

"Come on, tumigil ka na sa kahibangan mo" Qabis said in a very serious tone at hinila niya si Amber palayo sa'min ni Ruri.

Nilapitan ko ang nanggagalaiti sa galit na si Ruri. I caressed her back, hoping that she'll stop herself from throwing a fit. Kitang-kita ko ang nagkuyom na kamao niya, at...

Wait, what? Pasa?

Pumukaw ng atensyon ko 'yung kamao niya na may sugat at pasa. I stare at her face, may pasa yung gilid ng panga niya. Bahagyang natatakpan ng buhok niyang mahaba ang pasa sa mukha, pero nakasilip ang nag k-kulay violet nitong pasa sa panga. I checked her from head to toe.

What the heck?!

She got a lot of bruises and open wound. Based on her visible injuries, hindi niya nakuha ito mula sa pakikipag-away kay Amber. I examined her face, she was furious. Her face says it all, she's ready to start a fight.

"Sinong may gawa ng mga pasa mo?"

"May tinulungan kasi akong loko sa rooftop, ayun nakisali ako sa jombagan" 

Rooftop??? 

"Si Chris ba?"

"Paano mo nalaman?" gulat niyang tanong.

Nanlalaking mata siyang humarap sa'kin. 

"Siya lang ang laging nandoon"

"Pasok tayo sa kotse...pinagchichismisan na tayo... Nakaharang din 'yung kotse ko sa driveway" bulong ko.


She was sitting on the passenger seat. I can see her fist, it was strong as iron. Maging ako ay nagsisimula ng matakot sa kaniya, dahil baka sa akin tumama ang kamao niya. I swallowed my saliva as i encourage myself to open up a conversation with her.

"Hey, c-calm down"

"Fix yourself" i added

"Manahimik ka, bubusngalan ko bibig mo ng gulong nitong kotse mo!" she growled.

I laughed.

Kakaiba... tinutulungan na nga galit pa!

"Kalmahan mo lang mare..." i said while acting like a gay.

The Only Peach In Five Apples [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon