[8] Memoir

72 34 76
                                    

Ashyna


PAGKATAPOS naming kumain ay bumalik kaming dalawa ni Rounin sa labas. Nagpahinga muna kami dahil masyado kaming nabusog sa dami ng hinandang pagkain nina Sister para sa amin.

Naging komportable din akong makipagkwentuhan sa kanila tungkol sa mga bagay-bagay kanina.

It's so not me, right? Hindi kasi ako ang tipo na nakikipagkwentuhan sa iba. Palagi kasi akong mag-isa at wala din naman akong makakakwentuhan sa bahay. Aside from Raven and Rounin, wala na akong ibang nakakausap. I don't have any other friends to chit-chat with.

Tahimik lang kaming nakaupo ni Rounin dito sa bench na inupuan namin kanina. Nilibot ko ang tingin ko sa buong paligid. Madaming puno sa paligid kaya sariwa ang hangin dito. I love how the wind slowly touches my skin. It makes me so comfortable.

"You didn't answer my question earlier,"Rounin suddenly broke the silence. Kunot-noo ko naman siyang tinignan dahil hindi ko alam kung anong tanong ang tinutukoy niya. Lumingon ito sa akin bago nagpatuloy sa pagsasalita, "Bakit galit ka sa Mommy mo? She seems nice--- but I know you have a reason why you hate her."

Umiwas agad ako ng tingin sa kanya dahil ayoko munang pag-usapan ang tungkol doon. I don't want to remember what she did to me before. Nasasaktan pa rin ako hanggang ngayon.

"When she saw me yesterday, she told me to follow you and make sure you're safe. She was worried about you,"dagdag pa niya.

"Worried? Haha! Are you kidding me?" Tumingin ulit ako kay Rounin na seryoso nang nakatingin sa harap ngayon. "Bakit? Nag-alala ba siya sa 'kin nang iniwan niya ako? Kahit dalawin man lang nga ako noon ay hindi niya nagawa."

Kaya paano ko paniniwalaan na nag-aalala nga siya sa akin?

"She left you?" Tumingin siya sa akin na mukhang nagulat pa sa sinabi ko. "Why? How?"

Huminga muna ako ng maluwag bago sinagot ang tanong niya.

"She left us for some other man, her first love to be exact,"I answered that made him even more curious about what really happened. "Mom and Dad's marriage was arranged by my grandparents. Mom was already pregnant with me, kaya nagpakasal sila ni Daddy kahit hindi naman talaga nila mahal ang isa't-isa."

Hininto ko muna ang pagkwento dahil nanginginig na ang boses ko. Sobrang nasasaktan pa rin ako tuwing naaalala ko ang mga nangyari noon.

"Naghiwalay ba sila?"

Hindi pa ba obvious?

"We're happy at first, for almost 8 years we live like a happy family. Yung tipong nagmamahalan, pero nagbago ang lahat ng 'yon nang magsimula silang mag-away gabi-gabi,"patuloy ko sa pagkwento.

Naaalala ko pa noon kung paano ko sinasabunutan ang sarili ko tuwing naririnig ko ang mga sigawan nilang dalawa. Tuwing naririndi ako sa kanila ay kinakagat ko ang aking mga labi hanggang sa dumugo ito. Up until now that habit still remains in me. You can always notice me biting my lower lip everytime I'm anxious or frustrated.

"Nagtuloy-tuloy pa ang mga away nila hanggang sa nagdesisyon si Mommy na makipaghiwalay na kay Daddy. Iniwan niya kami noong araw na 'yon."

Nanginginig ang mga kamay ko habang kinukwento ko kay Rounin ang mga nangyari. Hinayaan ko lang siyang hawakan ang kamay ko at pinatuloy ang pagkwento sa kanya.

"I tried to stop her. I cried so hard thinking she will stop once she heard me crying and begging her to stay, but she didn't."

I remained emotionless when I said those. I bit my lower as I recalled myself crying and begging for Mom to stay. She didn't even bother to look back at me.

24/7 DREAMERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon