[4] Night at Woods

135 59 197
                                    

Ashyna

I HEAVED a sigh of relief when I saw who approached me. My fear suddenly disappeared like a bubble. Mabuti na lang hindi isang mabangis na hayop ang nasa harapan ko ngayon.

"Ano'ng ginagawa mo rito?" takang tanong ko sa lalaking kaharap ko ngayon.

Tahimik lang siyang nakahawak sa kanyang kaliwang braso na hinampas ko ng kahoy kanina. Hawak din niya ang phone sa kamay, na ginamit niya sa pag-ilaw sa akin dahil padilim na.

"S-sorry!"

Hindi ko naman kasi sinasadyang hampasin siya kanina. Malay ko ba kasing tao ang lumapit sa akin. Akala ko kasi 'yon na ang hayop na sinasabi sa sign. Mabuti na lang hindi dahil katapusan ko na kung sakali.

"It's okay," sagot nito at ngumiti sa akin.

My heart fluttered when I heard his voice while staring at his smile at the same time. The guy infront of me right now is the same guy who helped me at the hanging bridge yesterday. He's still wearing the same black hoodie and jogging pants he's wearing during our hike earlier.

Yeah! It's the guy next door.

I still don't know his name up until now. Should I just call him Guy Next Door a.k.a GND? It's not like I'm shy to ask about his name. Ayaw ko lang talagang malaman ito. Hindi naman siguro required na alam ko ang pangalan niya.

"Nasaan ang iba?" I asked him, but he just shrugged at me. Wait... Does that mean, he got lost too? "Nawala ka rin?"

Tumingin siya sa akin bago sumagot, "Maybe! I got lost while I was finding someone."

Finding someone? Sino ang hinanap niya? May iba pang nawala bukod sa akin?

"Sino?"

Ngumiti siya ng malawak sa akin bago ulit sumagot, "Ikaw."

My heart skipped a beat when I heard his answer. Eh? Ano daw? Did I hear him right? Me? Ako ang binalikan niya? At bakit naman niya ako binalikan?

Tinaasan ko siya ng kilay kaya sumagot naman ito agad na parang naintindihan niya kung ano ang gusto kong itanong sa kanya.

"I didn't saw you there earlier so I went back to find you," sagot niya sa akin.

Bakit naman niya ako hahanapin? Malamang dahil nawawala ako.

Hindi ko masyado kita ang mga mata niya dahil sa bangs niyang nakatakip doon pero ramdam ko naman ang pagtitig niya sa 'kin kaya umiwas naman agad ako.

"Bakit mo ako hinanap?" tanong ko sa kanya.
Of course, I'm curious.

"Because I was worried that you might get lost," sagot niya. "I guess I'm not wrong."

Oh, a concerned citizen?

Bigla akong napalundag nang makarinig na naman ako ng mahinang kaluskos na nanggagaling sa bandang likuran ko.

Narinig niya rin ba 'yon?

Nagkatinginan kaming dalawa nang unti-unting lumalapit sa kinatatayuan namin ang kaluskos. Shit! 'Eto na ata ang totoong mabangis na hayop. Ayoko pang mamatay!

Bago pa ito tuluyang makalapit sa amin ay hinatak na ako ni GND papalayo doon. Aray!

Ang higpit ng pagkakahawak niya sa kamay ko. Siguradong mamumula ito mamaya. Patuloy lang kami sa pagtatakbo kahit hindi na rin naman ata nakasunod sa amin ang hayop.

24/7 DREAMERحيث تعيش القصص. اكتشف الآن