[7] Déjà Vu

72 38 74
                                    

Ashyna

ILANG minuto rin akong nakatulala lang sa kisame habang iniisip ang posibilidad na si Rounin nga ang lalaking palaging dumadalaw sa panaginip ko. Maaaring hindi rin si Rounin 'yon. I was already dreaming about that guy before I met Rounin. It could mean something different too. I just can't figure out what could it be.

Pinalitan ko na ang music mula sa phone ko dahil natapos na yung kantang nirecommend ni Rounin sa 'kin. I sighed and tried to get Rounin off my mind, but I failed. Naiisip ko pa rin siya, yung mga ngiti niya at yung mga sinabi niya sa 'kin kagabi.

Napatigil ako sa pag-iisip nang may kumatok sa kwarto ko. Babangon na sana ako pero narinig ko ang boses ni Mommy kaya bumalik ako sa pagkakahiga.

"Sweetie,"tawag niya sa 'kin habang kumakatok sa pinto ko. Pinikit ko ang mga mata ko at nagpanggap na natutulog nang binuksan niya nga ito. Ano na naman ba ang kailangan nito? "May bisita ka sa baba, sweetie."

Kahit nakapikit ako ay alam kong nakangiti ito ngayon sa akin. Wait? May bisita raw ako?

I don't think Raven will visit me this early in the morning. He's still sleeping at this hour, I guess? Aside from Raven, I don't have any other friends who will visit me here. Sino kaya ang tinutukoy niyang bisita?

I slowly opened my eyes and acted like I just woke up from a deep sleep. I looked at Mom like I was asking her what she's doing here in my room. Sa tingin ko ay naintindihan naman niya ang nais kong ipahiwatig dahil nagsalita agad ito.

"You have a visitor. He's wating downstairs."

"Who?"

Ngumiti pa ito sa akin bago sumagot, "Rounin, kaibigan mo ba ang binatang 'yon?"

Rounin? What is he doing here? And no, he's an acquaintance not a friend.

Mabilis akong lumabas ng kwarto at bumaba papunta sa sala nang marinig ko 'yon. Nadatnan ko si Rounin na nakaupo sa sala habang naglalaro ng ml sa phone niya. Rinig na rinig ko ang mahina niyang pagmura dahil sa pagkatalo niya sa laro.

Ml player din pala siya. Mukhang magkakasundo agad sila ni Raven nito.

"Naligaw ka ata?"bungad ko sa kanya at umupo sa couch na kaharap ng inuupuan niya ngayon. Nagulat pa ito dahil sa biglaan kong pagsulpot sa harapan niya kaya muntikan pa niyang mabitawan ang phone niya.

"Busy ka ba ngayon?"

Tinaas ko ang isa kong kilay dahil sa tanong niya. Tipid na ngumiti naman ito sa akin. Don't tell me, yayayain niya akong makipagdate sa kanya? No, no, no! Wala akong time sa mga bagay na 'yan. Atsaka hindi ako makikipagdate sa lalaking 'to no, hindi ko siya type. Oo, gwapo siya pero hindi pa rin ako makikipagdate sa kanya 'no.

Ano ba Ashyna? Masyado kang advance mag-isip. Hindi mo pa nga alam kung yayayain ka nga niyang makipagdate.

"Bakit?"tanong ko sa kanya.

"Just answer it."

"Bakit nga?"

Sinamaan ko siya ng tingin kaya napilitan itong sagutin ang tanong ko. Isang tingin lang naman pala ang katapat. "I know you're not fine, so I want to take you somewhere. Para makalimutan mo muna ang mga iniisip mo ngayon."

"So you're asking me on a da-?"

"No! That's not what I meant. Gusto lang kitang isama sa pupuntahan ko,"sagot nito at umiwas ng tingin sa akin. Okay! Pero parang gano'n na rin naman 'yon. "That's all! So, sasama ka ba?"

24/7 DREAMERWhere stories live. Discover now