[2] Guy Next Door

204 77 268
                                    

Ashyna


NANDITO ako ngayon sa terrace ng kwarto ko, nagbabasa ng libro. Hindi kasi ako makatulog kaya naisipan ko na lang magbasa.

Ilang araw na rin ang lumipas simula nang malaman kong buntis si Mommy. Wala naman masyadong nangyari sa buhay ko sa mga nakaraang araw. Gano'n pa rin. Gigising lang para kumain tapos matutulog ulit. Minsan nasa terrace lang ako at nagbabasa ng libro.

Masyado bang boring ang buhay ko?

Nagsimula na ang bakasyon namin noong nakaraang linggo kaya palagi lang akong nasa bahay. Hindi rin naman ako yung tipo na lumalabas ng bahay palagi. Mas pipiliin ko pang managinip kaysa mag-aksaya ng oras sa labas.

Speaking of dreams, I dreamed about an unknown guy again. Hindi ako sigurado kung isa ba siya do'n sa dalawang lalaki na napanaginipan ko no'ng nakaraang araw.

Gabi na nang magising ako no'n. Pawis na pawis ako at parang nakipagkarera dahil sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Another bizarre feeling.

I can't remember his face as well, however, I remembered he was wearing a blue t-shirt that time. He said something that I can no longer recall. All I know is, what he said made my lips curved into a smile.

Ano kaya ang sinabi niya no'n? Pagkatapos ng panaginip na 'yon, hindi pa ulit siya nagpapakita sa 'kin. Ghoster! Bigla na lang kasi siyang nawala nang tatanungin ko sana ang pangalan niya.

Nakarinig ako ng busina ng sasakyan kaya napatigil ako sa pag-iisip. Nabaling ang tingin ko sa sasakyan na huminto sa harap ng bahay nina Tito Lio. Bumaba mula sa backseat ang isang lalaki. Siya rin yung lalaking nakita ko no'ng nakaraang araw.

This time, hindi na siya nakasuot ng mask at shades kaya nakikita ko na ang mukha niya. At tama nga ako, ang gwapo niya. Walang halong biro!

Mas lalo siyang gumagwapo dahil sa mahaba niyang bangs na halos nakatakip na sa mga mata niya. I think his hair made him look more handsome. He was wearing a white t-shirt partnered with a jeans. Ang simple lang niyang manamit pero ang lakas pa rin ng dating niya.

Hindi ko na maalis ang tingin ko sa kanya habang naglalakad siya papasok sa bahay nina Tito. Parang na magnet na ata ang mata ko sa kaniya dahil sa kakatitig ko. Kumunot ang noo ko at tinignan siya ng mabuti.

Bakit parang may kamukha ata siya? Parang nakita ko na kasi siya dati. Saan ko ba siya nakita? Sa school ba? Hindi ko naman siya kilala pero pamilyar talaga siya sa 'kin 'eh.

Nanlaki ang mga singkit kong mata nang bigla siyang napatingin sa gawi ko. Mabilis kong itinakip sa mukha ko ang librong binabasa ko kanina. Nagpanggap akong nagbabasa para hindi niya ako mahuling tumitingin sa kaniya.

Ilang segundo ang lumipas bago ko unti-unting binaba ang libro at sinilip kung nandoon pa ba siya. That was close! Nakahinga ako ng maluwag nang makitang nakapasok na siya sa bahay.

Bakit ba kasi ako nakatitig sa kanya? Pero seryoso, saan ko kaya siya nakita dati?

Pinatuloy ko na ulit ang pagbabasa, hanggang sa napansin ko na lang na umalis na ulit ang sasakyan sa harap ng bahay nila.

Saan kaya siya pupunta? Kailan ulit siya babalik? Bakit kaya siya umalis? Ano bang pake mo sa estrangherong 'yon? Umayos ka self! Masyado ka atang curious sa lalaking 'yon.

Nagbasa na lang ulit ako at pilit na inalis sa isip ko ang lalaki kanina.

Mayamaya lang ay may humintong sasakyan sa harap ng bahay ko. Akala ko bumalik yung lalaki, pero nagkakamali ako, si Raven pala ito.

24/7 DREAMERWhere stories live. Discover now