[6] She's in the Rain

97 45 84
                                    

Ashyna

SARI-SARING emosyon ang nararamdaman ko ngayon habang kaharap ang taong hindi ko inaasahan na babalik pa sa pamamahay na 'to. Mas nangibabaw pa rin ang galit ko sa kanya.

Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa mahabang sofa namin sa sala nang mapansing bumukas ang pinto.

"W-what are you doing here?"

Naramdaman ko ang panginginig ng kaliwang kamay ko ngayon kaya mabilis ko itong hinawakan ng mahigpit gamit ang kabilang kamay. Ano'ng karapatan niyang bumalik pa rito matapos niya kaming iwan noon? Matapos niya akong iwan dito 8 years ago para bumalik do'n sa lalaking mahal niya.

"I came to see you, sweetie. Mommy misses you so much." Nakangiti itong lumapit sa akin at akmang yayakapin sana ako. Ngunit mabilis kong iniwas ang sarili ko sa kanya. "It's been a while sweetie! You weren't answering my calls, kaya dumiretso na lang ako rito."

Sumisikip ang dibdib ko tuwing nakikita ko siya. Bumabalik na naman kasi ang mga ala-ala ko noon habang walang-tigil silang nag-aaway ni Daddy.

How cheeky of her to come here and just act like nothing happened before. I dont want to be mad at her, but I can't stop myself now that she's in front of me.

Nagkamali ako nang inakala kong nawala na ang galit ko sa kanya noon.

Masisisi niyo ba ako kung galit ako sa kanya? Iniwan niya ako, iniwan niya kami ni Daddy. She left us to go back to her first love, and that is Tito Rico, her current husband.

"Pareho nating alam na ikinasal lang tayo dahil nabuntis mo ako."

"Hindi kita kailanman minahal, Arthur. Hanggang ngayon siya pa rin ang mahal ko, at hindi na magbabago 'yon."

Kinagat ko ang labi ko nang biglang bumalik sa isip ko ang mga sinabi niya noon. Hindi niya kami minahal ni Daddy kaya niya kami iniwan. Hindi man lang niya inisip kung ano ang mararamdaman ko noon.

She reached for my hands and smiled at me, "Kamusta ka na anak? Kumakain ka ba ng maayos dito? Nag-aalala na ako sa'yo."

Tinabig ko ang mga kamay niya at diretso siyang tinignan sa mga mata. "Nag-aalala ka pa pala sa 'kin?"

"Of course, I'm still your Mo—."

"Please go," malamig kong sambit kaya naputol ang sinasabi niya sa akin. Ayoko nang pakinggan ang mga susunod niyang sasabihin.

"No sweetie, hindi ako aa—."

Sana noon mo pa sinabi 'yan noong pinipigilan kitang umalis at nagmamakaawa akong huwag mo kaming iwan.

Kinagat ko ang aking labi para mapigilan ang panginginig nito. Pinikit ko rin ang aking mata at pilit na kinalma ang sarili. I don't want to argue with her now that she's pregnant. Baka ma-stress siya at ako pa ang sisihin ng asawa niya 'pag may nangyaring masama sa baby nila.

"Kung ayaw mong umalis, ako na lang ang aalis," putol ko sa sinabi niya at mabilis na binuksan ang pinto.

Napahinto pa ako nang makitang nasa labas pala ng pinto si Rounin. He's eavesdropping our conversation. Hawak niya sa magkabilang kamay ang mga pinamili namin kanina.

Padabog kong sinara ang pinto at dire-diretso lang sa paglabas ng bahay. Narinig ko pa ang pagtawag niya sa akin ngunit 'di ko siya pinansin. Patakbo akong tumungo sa park kung saan ako palagi tumatambay. Dito ako palagi pumupunta tuwing gusto kong umiyak noon.

Gustuhin ko mang matulog na lang ngayon ay hindi ko rin magagawa dahil nandoon ang babaeng 'yon sa bahay. Ayoko muna siyang makita. Mas lalong ayokong marinig ang boses niya dahil naririndi ako. Tuwing nakikita ko siya ay bumabalik din sa isip ko ang mga nangyayari noon na pilit ko nang kinakalimutan.

24/7 DREAMERWhere stories live. Discover now