#137

378 26 18
                                    

#137

"Onyx," tawag ko sa kanya habang nakikipaglaban ako sa seatbelt ng sasakyan niya. Mukhang napagod na sa kakasakay ko dito at sa palagiang pag-alis namin. "Pagod na yata 'yung sasakyan mo -"

Napatigil ako sa sasabihin kong joke dahil napansin ko na nangingiti-ngiti siya habang tinititigan ako. He looks so amused para pa ngang nang-aasar. Sinimangutan ko siya bago subukan na hilahin uli na paabutin sa lock 'yung belt.

"Adorable," bulong niya bago lumiyad paabante para tulungan ako. Napaikom ako ng bibig dahil ang lapit ng ng mukha niya. Isa pa, pinipigilan ko ang sarili ko na singhutin ang amoy niya.

Napakabango kasi. It's the typical men's perfume na may konting spice kapag naamoy pero hindi matapang. Kung 'yung pabango niya bibigyan ko ng mukha, sa kanya ang palagi kong ma-imagine.

Ganu'n ako ka-hulog sa kanya. Ever since.

"Adorable ka diyan! 'Yung sasakyan mo pagod na sa akin 'ka ko. Alis daw tayo nang alis." Sagot ko pabalik sa kanya nang buong tapang dahil nakalayo na siya uli. Sana lang hindi niya narinig 'yung malakas na pagkabog ng puso ko habang nakalapit siya kasi nakakahiya.

My whole face is in a whole state of poker pero 'yung insides ko talaga parang sandamukal na butterflies at gamu-gamo ang naglililikot. Hindi man halata, kinikilig talaga ako. This feeling is a constant sa t'wing kasama ko siya. Minsan my demeanor slips kasi gago 'to. Ang galing magpakilig.

"Papalitan ko na lang."

"Huh?!" Nagtataka kong tannong sa kanya habang tinitingnan siya. He's driving now at tanging nakikita ko lang ay ang side profile niya. Ang siraulo, nang-aasar na naman. Tatawa-tawa dahil sa confusion ko. Anong papalitan?

"Papalitan ko 'yung sasakyan kung pagod na sa'yo. Anyway, we won't be stopping going to dates, right?" Pakiramdam ko ang bobo ko. Hindi ko naiintindihan 'yung sinasabi niya. Dahil ba 'to sa fun and food-induced fog ng kalahating araw na 'to?

"Gwapo ka sana kaso ang labo mo kausap," singhal ko dahil maaga yatang prank time ito.

Napailing siya sa pag-angal ko.

"Did you have fun?" Pag-iiba niya sa usapan. Pasimple siyang sumulyap sa akin, giving me a glimpse of his eyes, smiling.

"Siyempre. Palagi naman." And it's true. No dull moment when I'm with him. Even the simplest grocery shopping is enough. Walang katapusan ang daldal ko, wala rin naman katapusan ang pakikinig niya. He seemed so interested in my ramblings kahit, most of the time, kailangan ko pa i-explain dahil medical terms.

Same goes with him. 'Pag may kinukuwento siya when it comes to his work, I do the same because I genuinely like video games so it was easy for my part.

"Sabi mo lalabas pa tayo. So, next time, ililibre kita. Kasi hindi ka pa ba namumulubi? Ako na lang yata binubuhay mo," biro ko sa kanya.

"It's okay. Marami pa naman akong ipon," seryoso niyang sagot. Pero hindi ko mawari kung maiinis ba ako o maguguluhan kaya hinampas ko 'yung braso niya. "Alam mo? Ang labo mo ngayon. Kanina ka pa."

If I wasn't looking at him, I wouldn't see him wetting his lips with his tongue. He does this when he wants to say something.

"You wanna say something? Hmm?" Pumangalumbaba ako at sinadya na humilig para tumingin sa kanya. His jaw tensed when he saw me do that.

Ayaw na ayaw niya kasi na hindi ako nakaayos ng upo dahil hindi namin alam kung kailan ang aksidente according to him.

"Issa," banta niya while side-eyeing me.

At First GlanceWhere stories live. Discover now