#99
January 10, 2021
Messenger
Kambal 👽
3:10 PM
Mona:
Kambaaaaaaaaaaal
How are you adjusting to your new sched? Kailangan ba talaga ipasok kayo ulit as interns?
Issa:
I'm good, thank God.
Kailangan eh. Haha! Safe naman na raw. Sayang din kasi 'yung experience baka magaya ako sa mga nakikita kong memes HAHAHAHA!
Mona:
Oo 'yung dahil sa virtual ang internship???? I-google pa sagot bago ma-diagnose 😂😂😂
"MAM WAG KA MAMAMATAY NASA PRESENTATION NAMIN 'TO"
You reacted 😂 to the message
Mona:
Anyway, pagkatapos niyan? Ano na next?
Issa:
Boards. Bale senior intern na ako ngayon and then boards. Kapag nakapasa na ako, I'll decide if I'd go be a GP or if I'd continue with my specialization.
Mona:
Kailangan talaga sabay with the boards? Napakabrutal naman.
Ilang buwan na lang, kambs. Ako nga mamatay-matay na sa kaba and I don't know if I've studied enough.
Issa:
Trust me! Kahit ako HAHAHAHA! Tustado na utak ko parang toasted siopao huhu
Tapos duty pa. How to balance life?
But you know what? I love doing this again with you, kambs.
Mona:
Sobrang iba naman nito. We're on different stages of our lives.
Seen
Issa:
Kambal...
Mona:
Sorry. Haha! Can't help the way I think, but I agree, too. Hindi ko na-miss mag-aral but doing this whole review thing with you is always fun. Mahirap saka super challenging pero kasama kita uli soooo thank you for always rooting for me.
Issa:
Gaga. Ako dapat magpasalamat. If not for you, I would not be here. Ikaw ang dapat na nandito. You deserve this spot.
Mona:
Hindi ba ganu'n naman 'yun? Hindi naman natin makukuha kung ano 'yung gusto natin right away. Minsan hindi pa tama sa'yo, minsan hindi talaga para sa'yo.
YOU ARE READING
At First Glance
Romance|✔ COMPLETED| (It All Started in Quarantine #3) [EPISTOLARY] Noon, ang pangarap lang ni Issa Jean ay makatapos siya at maging isang ganap na doktor. Ngayong nalalapit na siya sa goal niya na iyon, gusto naman niyang mapansin siya muli ng kauna-unaha...