#66
November 6, 2020
Messenger
Poop Troop 💩
12:55 AM
Issa:
Look at my progress!!!!!
9:29 AM
Shey:
Eyyyy! Ilang buwan inabot ng effort? Ano naman ginagawa mo at sinabihan ka niyan?
Issa:
Secret! Saka kiber na sa kung gaano matagal 'no! Ang mahalaga, may progreso.
Wynter:
Progress ba yorn eh may sorry? Hahaha! Ibig sabihin niya yata diyan eh baka mag-assume ka kaya ayaw niya sabihin.
Issa:
Agaaaain, does it matter? Wala na akong ibang nakita kung hindi 'yan.
At ito pa! He's teaching me how to drive!!!!! I feel so cherished 🥰
Wynter:
Huy! Tinuruan lang mag-drive kala mo nag-propose na.
Issa:
Hello?
Look???
Wynter:
Weh?
Issa frank 'yan. hahahahaahha!
Issa:
Panira ka talaga!
Pero true naman. As a friend lang daw. Hahahaha! Sinasakyan lang ako pero G siyempre.
Wynter:
Wake up call yorn! 😇
Shey:
Kumusta naman ang pagsasabay ng review at work? Keri ba?
Issa:
Ayayayayayaya!
Hindi ko pa ba nasabi? Nag-resign na ako doon. Nag-decide akong mag-focus na lang sa review at sa baby ko.
Seen by 3 people
Mona:
Anong resign? Bakit hindi ko alam 'to?
Seen by 2 people
/ / / /
Messenger
Kambs 👽
10:10 AM
Issa:
KAMBAAAAAAAL
I HAVE SO MANY KWENTO
KAMBAAAAAAAL
UY
GALIT KA?
😔
KAMBAAAAAAAL
MONA AICA FUENTES?!?!?!?!?!
HUUUUUY
Seen
YOU ARE READING
At First Glance
Romantikus|✔ COMPLETED| (It All Started in Quarantine #3) [EPISTOLARY] Noon, ang pangarap lang ni Issa Jean ay makatapos siya at maging isang ganap na doktor. Ngayong nalalapit na siya sa goal niya na iyon, gusto naman niyang mapansin siya muli ng kauna-unaha...