#69
November 8, 2020
Messenger
Onyx Desalva
9:09 PM
Issa:
One of these days mapipilit din kita mag-milktea.
Onyx:
No. I'm telling you, you can't make me drink something that sweet.
Issa:
Pwede naman i-adjust sugar level no'n.
Alam mo ba? Hindi ako marunong mag-order ng ganyan noon. Pero confident na ako ngayon, so I'll order for you.
Next time!
Seen
Issa:
So kumusta naman ako ka-date?
Onyx:
Makulit.
Masarap kausap.
Issa:
Sana always.
Next time treat ko naman kahit coffee. Nangunguna ka kanina. Desisyon ka?
Onyx:
It was a date, right? The guy should pay.
Issa:
Eh. Ako naman nag-aya at um-oo ka lang. Oh well, siyempre thank you pa rin. Sino ba aayaw sa libre?
Onyx:
Oo. Just like before. Naalala mo? You accepted anything I gave you.
Issa:
DUH! Siyempre kasi crush kita noon.
Ay hindi pala. Mga before high school ko pala na-realize na crush kita.
Onyx:
Ano bang difference nu'ng before at after mo malaman na crush mo ako?
Issa:
LUH!
BAKIT KO SASABIHIN???
KAKAHEYA!
Onyx:
I'm curious. If I remember it correctly, wala ka naman ibang reaction. You would just smile big.
Issa:
Hay, Onyx.
Alang namang magkikislot ako na parang inasinang bulate habang kaharap mo? Niyo?
Siyempre hindi.
'Pag nasa kwarto na ako o 'pag hindi mo na ako nakikita saka ko ilalabas reaksyon ko!
Onyx:
So... paano 'yung inasinang bulate?
Issa:
Heh!
Onyx:
Hahahahaha!
Issa:
Alam mo ikaw! Minsan naaalala ko bakit kasama ka sa tropa ni yaku. 🥲 Mapang-asar!
Sakaaaaa never ka ba nagka-crush? Ayyyy! Come to think of it, paano ba kiligin mga lalaki?
Onyx:
When dating someone, it's not necessary to have a crush on them. The main purpose of dating is to get to know each other.
Issa:
So paano mo sila naging girlfriend? Nanligaw ka ba or boom! Naging kayo na lang?
Onyx:
I asked them.
Issa:
Shet. Di uso ligaw?
Onyx:
Nag-date naman na kami and they said yes. I'd spoil them while in the relationship.
Issa:
Pero 'yan din naman paniniwala ko.
Well, wala akong experience sa pakikipag-date pero parang ganyan din sabi ko sa kambal ko. If she loves Herson, sagutin na niya. Relasyon naman ang pinapatagal, hindi ang ligawan.
Seen
Onyx:
Yeah that's what I believe, too.
But Issang? You know... this is a friendly date, right?
Issa:
I knoooooooow.
No need to remind me everytime. Saka masaya ako kasi hindi mo na ako pinagtatabuyan. Na-miss ko rin naman 'yung Kuya Nyx ko.
Seen
YOU ARE READING
At First Glance
Romance|✔ COMPLETED| (It All Started in Quarantine #3) [EPISTOLARY] Noon, ang pangarap lang ni Issa Jean ay makatapos siya at maging isang ganap na doktor. Ngayong nalalapit na siya sa goal niya na iyon, gusto naman niyang mapansin siya muli ng kauna-unaha...