#2
May 11, 2020
Messenger
Kambs 👽
12:15AM
Mona:
Paano mo ba nahalungkat uli 'yan? At talagang nandiyan pa? May kopya ka pa rin?!
Issa:
Eh, naglilinis ako ng files sa laptop para hindi ako malito sa mga reviewers. Saka distraction sa napipintong panghuhusga.
Mona:
Itutuloy mo? Hindi ba dapat mag-focus ka mag-aral for boards?
Issa:
Wala naman akong ginagawa. And I want to help. Welcome naman daw ang volunteers.
Besides, malamang next year na PLE n'yan. Or if not, next year ako mag-take.
Mona:
Kambal, this is serious. Pwede kang mahawa kahit sabihin na hindi ka naman talaga ilalagay sa actual covid ward.
Issa:
Ano naman gagawin ko? I want to move forward. Hindi ba magandang experience 'to?
Mona:
Alam ko naman. Pero nag-aalala ako. What more sila Tita Mari? Anong sabi ni Kuya Isle?
Hindi ka pinagalitan?
Issa:
That's the thing, kambs. Hindi pa nila alam.
Mona:
ANO?!
Issa:
✌✌
YOU ARE READING
At First Glance
Romance|✔ COMPLETED| (It All Started in Quarantine #3) [EPISTOLARY] Noon, ang pangarap lang ni Issa Jean ay makatapos siya at maging isang ganap na doktor. Ngayong nalalapit na siya sa goal niya na iyon, gusto naman niyang mapansin siya muli ng kauna-unaha...