#87

366 24 2
                                    

#87

December 5, 2020

Messenger

Kambs 👽

12:09 AM

Issa:

Pakiramdam ko talaga pinaglalaruan ako ng universe. Nakakaumay pero nakakakilig.

You sent a photo.

Kung hindi ba naman tuso. Promise, kambal, handa na ako mag-move on kaso tingnan mo naman???????

May usapan kaya si Onyx saka ang tadhana na ganituhin ako?! Bakit parang nu'ng ikaw naman nagka-lovelife, hindi komplikado? Parang lang cause I know what you went through.

Wow. Nakakapagod pala.

7:08 AM

Mona:

Oh shiiiiiit!

Kahit ako, kung hindi lang kita inaalala, sasabihin ko na meant to be kayo. Kaso sabi mo napapagod ka na. Why won't you stop?

Issa:

Pakiramdam ko kasi kapag sumuko ako, never ko malalaman what's on the other side. Hanggang what if na lang ang iisipin ko kasi hindi ko subukan tapusin. Ikaw na nagsabi na kausapin ko siya. I think this is that chance. Kung hindi ko pa i-grab 'to, kailan pa darating 'yung susunod? O kung may darating pa.

Don't worry. Maayos akong nag-re-review just to assure you. I'm working my hardest to be the best para naman worth it 'yung sakit ng ulo niyo sa akin lalo na ng parents ko. Siyempre hindi ko naman sasabihing walang parte si Onyx doon, he was part of the reason.

Mona:

That what I like about you, kambs. Alam ko hindi ko madalas nasasabi sa'yo 'to pero bilib ako na may isa kang salita at alam mo kung ano ang gusto mo. You don't waver from whatever anyone says. Maraming nagsasabi na hindi ka raw cut-out for medicine, but here you are. Alam ko, pangarap nating dalawa 'to noon, pero proud ako sa'yo kasi you're a thousand step closer to that dream.

Issa:

Sa totoo lang, wala akong balak mag-pursue ng med, kambal. Pinasok ko lang 'yung medtech kasi I found it interesting.Balak ko noon na mag-shift if I find the course boring or too much to handle.

Mona:

Huh?

HUH?

Iba pa ba 'to doon sa gusto mong mag-drop sa gitna ng 3rd year?

Issa:

Yeah.

Mona:

What changed?

Issa:

I met my best friend.

Mona:

Lul.

Issa:

Ayaw mo? HAHAHA! But it's true. I enrolled out of curiosity. I knew no one in the fam na nasa med field. Most of them were entrepreneurs or corporate workers. Alam ko naman palagi tayong nag-aaway noon, paano ba tayo naging close?

I'm serious, ha! Nu'ng pumasok kasi ako that time, I felt overwhelmed. Iba 'yung aura kapag ang klase ay puno ng matatalinong tao. You can feel the pressure and the competition. Hindi ko gets noon 'yun kasi hindi ko naramdaman 'yun during highschool. I was an average student. I don't really stand out kaya nagulat ako na nakaya kong makapasok sa quota course na medical technology.

Mona:

Because you sell yourself short! Gets ko naman na hindi mo problema ang future mo at super well-off ng pamilya mo, bunso ka pa. Kaya alam ko na tingin mo average ka lang pero higit ka pa doon 'no.

Masaya ako na na-realize mo na ngayon 'yun.

Tatanungin kita, bakit gusto mo maging doktor?

Issa:

Gagi, Challenge ba 'to?

Mona:

Oo. Sagutin mo ng maayos 'yan para alam natin kung worth it nga ba bigyan ka ng lisensya.

Issa:

Board of examiners ka, girl?

HAHAHAHA!

Bakit nga ba? Tangina 'yung naiisip kong sagot parang pang-elementary.

Mona:

Dali na!

Issa:

Okay okay teka

Gusto ko maging doktor kasi gusto ko na when the time comes na kailanganin ng medical intervention ng mga taong malapit sa puso ko, I'd have the skills to do that kahit gaano pa ka-basic. 'Yung may maitutulong ako kung sakali na may mangailangan ng immediate medical attention again kahit gaano pa ka-basic 'yan.

Alam mo 'yun? All my life, I've been doing things that I like. Puro sa akin lang naka-sentro. Everything is done for me dahil sa pamilya ko. This time, I want to do something for others. Lalo na sa pangit na healthcare system ng bansa. I want that power to heal, kahit man lang alleviate their pain.

Mona:

I'm so proud of you, Issa.

Alam ko naman nag-re-review ka ng maayos. Hindi naman maiiwasan na may days of slump kasi napapagod din naman mga utak natin. Ang mahalga, alam natin na we did our best. Kahit anong mangyari, nandito ako.

Go get your man and your license, kambal.

Issa:

Nauna ka lang magka-lalaki, but same. Lets get our licenses. ♥

At First GlanceWhere stories live. Discover now