#4
May 17, 2020
Messenger
Kambs 👽
Issa:
KAMBAL!
HEEEEELP! TAWAGAN KITA KAUSAPIN MO SI MOMMY!
Mona:
OY AYOKO SIRA KA!
Saka pareho kami niyan ni Tita Marichu! Ayaw ko nga rin na mag-volunteer ka, ano ka?!
Issa:
Kung susundin ko lang talaga gusto ko, I can do whatever I want kaso baka mapatay ko mga magulang ko sa sama ng loob. But I really, really wanna do the nitty gritty.
Mona:
Registered ka, 'di ba? Nakapag-renew ka?
Issa:
Yeah. Sayang, eh. Wala pang kailangan na units.
Mona:
Ayun!
Bakit hindi ka na lang mag-medtech, for the meantime?
Issa:
Uhhh
Kaya ko pa kaya mag-medtech?!?! Never naman ako nag-practice.
Mona:
Magandang alternative 'yun kesa sasabak ka kaagad as volunteer. Besides, hindi mo pa alam ang ipapagawa sa'yo kung sakali.
Issa:
Isn't it the same? Exposed pa rin ako. Why not go straight to the devil's lair?
Mona:
I think, it'd be less risky. Private lab ka na lang mag-apply muna.
Speaking!!! Si Tina, may newly-opened laboratory sila. Nakita ko sa isang post niya.
Issa:
Tina? Marthina Lansang? As in kaklase natin ng 4th year Marthina Lansang?!
Mona:
Oo nga! Na inaway ka kasi akala niya crush mo 'yung crush niya.
HAHAHAHAHAHA! NAALALA KO NA NAMAN!!
Issa:
Luh. Parang tanga. Pinaalala pa. Okay na kaya kami. Saka wala rin siyang pag-asa.
Mona:
OO! HAHAHAHAAHAHAHAHA!
KALA KO MAGSASABUNUTAN KAYO.
Ready naman na ako rumesbak no'n kung sakali.
Issa:
HA! HINDI KAYA! Nakatago ka kaya sa likod ko.
Mona:
Siyempre. Kayo magkaaway. Ayokong maging sagabal. Ready naman akong hilahin mga kamay niya away from your hair. Hehe.
PM ko na ba? O ikaw na?
Teka! Kausapin mo muna pala mga magulang mo. You can do it, kambal. I'm here for ya.
Issa:
Teka. Send mo sa akin link nu'ng post. Gagawin ko muna 'yun bago ko kausapin sila Mommy.
Pray for my soul and my career.
YOU ARE READING
At First Glance
Romance|✔ COMPLETED| (It All Started in Quarantine #3) [EPISTOLARY] Noon, ang pangarap lang ni Issa Jean ay makatapos siya at maging isang ganap na doktor. Ngayong nalalapit na siya sa goal niya na iyon, gusto naman niyang mapansin siya muli ng kauna-unaha...