Don't worry, wala naman akong nahigaan at natupi dahil hindi rin ako makapapayag ng ganon!

Bakasyon na sa school, overall top 3 daw ako pero hindi naman ako nakarating sa moving up ceremony dahil nga nasa hospital ako. Sad. Pero nandito naman yung medals ko. Binigay naman sa akin. So okay pa rin.

Naglinis muna ako ng higaan and ng kwarto in general kasi medyo makalat. Hehehe.

Paglabas ko ng kwarto, nandoon si mommy at nakaupo sa hagdan. Pasimple akong tumabi sa kaniya.

"Mmyyy. Busy ka?"

"No. Bakit?"

"Bake tayo. Para hindi ka po mabore." Yaya ko sa kaniya. Ngumiti naman siya agad at tumayo.

"Sige. Let's go!" Nauna pa siyang bumaba sa hagdan. Hahahaha.

~~~

"And the box says bake for 20 minutes." Okay. Nilagay ko na sa oven 'yung butterscotch brownies and ibebake nalang!!!

Umupo si mommy sa bar stool habang umiinom ng hot chocolate. Medyo lumalaki na si Aleara ah. Nahahalata na 'yung tiyan ni mommy eh. Naeexcite na akong makita si baby sister! Kaunti nalang. Hahaha.

Biglang nagnotify yung phone ko kaya chineck ko muna. Hmmm. Text message ni Tori.

From Tori:

Hiiiii. Busy k ba today?

Nagtipa naman agad ako ng reply.

Me:

Hmmm. Hindi naman. Bakit?

After a few seconds, nagreply agad siya. Ang bilis ah. Nakaantabay? Hahaha.

From Tori:

Sama k. Gala tayo s mall. Birthday ko ngayon eh.

Ay oo nga pala. Hmmm. Paano ba?

Me:

Wait lang.

Binaba ko muna 'yung phone ko at lumapit ako kay mommy na busy din sa phone niya.

"Mommy. Pwede po ba magpaalam na lumabas?" Malambing kong tanong.

"Where are you going?"

"Birthday po kasi ni Tori. Nagyaya po na gumala sa mall. Eh, o-okay lang po ba?" Goodness, kinakabahan ako. Hahaha. Ganito pala magpaalam sa parents. Kasi hindi naman ako madalas lumabas nung kasama ko si lola kaya hindi ko naranasan na kabahan ng ganito kapag magpapaalam na gumala.

Parang nag-iisip pa si mommy eh. Huhuhu. Kinakabahan ako. Haha.

"Okay lang naman po kung hindi pwede--"

"Bakit naman hindi? Sige. But hindi ko maiiwasan na huwag mag-alala. Tatawagan ko si Tarra para samahan ka. Okay lang ba?"

"Sure po. Okay na okay." Sagot ko. Naiintindihan ko naman yung worry ni mommy like, i mean nakidnap na ako, naaksidente, so i think tama lang na may kasama ako kapag lumalabas.

"Sige na, magbihis ka na."

"Yieeee. Thank you mommy!!!" Niyakap ko muna siya bago ako tumakbo paakyat sa kwarto ko. Hehehe. Excited yan???

~~~~

I'm ready to go!! Nagpantalon ako and blouse at binagayan ko ng sneakers. Yan, okay na.

"Mmy, alis na po ako."

"Ingat ka. Text me okay? Na kay Tarra yung credit card mo kung may bibilhin ka. Just use it wisely okay?"

"Sure po. Thank you! Ingat din po kayo dito." Nagbeso na ako sa kaniya at lumabas na ako ng bahay.

"Hi ate!!! Long time no see ah." Bati ko kay ate Tarra pagsakay ko sa van. Pinaandar na agad ng driver yung sasakyan.

"Hehehe. Buti nga magaling ka na. Alalang alala kaya kami sayo." Sabi niya kaya sumandal ako sa kaniya.

"Yieeee. Sweet naman. Thank you din po sa inyo kasi tinulungan niyo akong gumaling."

"Oo naman. Parang little sister na kita. Orrrr better yet, pamangkin nalang since parang kapatid ko naman na si ate Amara."

"Hahaha. Opo naman." Sabi ko. Medyo malapit lang naman ang mall dito kaya nakatanaw lang ako sa bintana.

~~~~~~

Amara's POV

It's already 4 in the afternoon and nagtetext naman si Calli sa akin kung nasaan sila. Pati si Tarra nag-uupdate din sa akin. Nag-aalala ako syempre dahil ang dami nang nangyari and masyado na akong natatakot para kay Calli. Pero at the same time, ayaw ko siyang paghigpitan at pagbawalan kung hindi naman kinakailangan. She just wants to hang out with her friends, like a normal teenager.

Medyo mahirap nang gumalaw galaw dahil nga lumalaki na si Aleara. Nandito lang ako sa room and i'm watching TV habang hinihintay 'yung mag-ama ko.

Speaking of which, nandito na pala si Alex. Maaga na talaga siyang umuuwi araw-araw. Tumayo ako to greet him.

"How's work?" Tanong ko paglapit sa kaniya.

"It's fine." Sagot niya. Pumasok ako sa closet at naghanap ng pambahay niya.

"Magpalit ka muna." Inabot ko sa kaniya yung damit niya and pumasok siya sa CR para magpalit.

"Nasaan pala si Calli? Parang hindi ko siya nakikita ah. Nasa room ba niya?" Tanong niya pag-upo namin sa bed.

"She went out with her friends. Birthday kasi ng kaibigan niya. Pinayagan ko na pero pinasamahan ko kay Tarra." I answered and tumango tango siya. Overprotective 'yan si Alex kaya kinailangan ko pang mag-explain.

"Dad, have you ever wondered how Isabella survived the explosion?" Tanong ko habang nakasandal sa kaniya.

"I've been thinking about that. Hindi rin ako makahanap ng explanation for that. She was in the office when it all happened. And alam naman natin na ang opisina ang pinaka damaged area when the incident happened."

"Why do i feel like only Sam can answer our questions? She faked their DNA test results so that means may kinalaman siya sa mga nangyari. Alam niyang anak natin si Calli." I told Alex. And parang ngayon ko lang napagtagpi tagpi ang mga pangyayari.

"Gusto kong makausap si Sam. I want to hear everything from her." I said to Alex.

"Ako na ang gagawa n'on. She doesn't want anything to do with you. Galit kayo sa isa't isa but i know na makikinig siya sa akin." Sabi niya.

"Pero--"

"Walang pero pero. I'll do it. Hindi ko na gugustuhin pang malagay kayo ni Aleara sa alanganin dahil lang sa babaeng 'yon."

"Sige. May tiwala ako sayo. I just want to know what really happened. Gusto kong magbayad si Sam sa kung ano man ang ginawa niya." Hinawakan niya lang ang kamay ko at tumingin sa mga mata ko.

"We will find out what really happened. Magagawa din natin 'yon." He said.

~~~~~

Alex's POV

I already talked to my lawyer and may mga kasong pwedeng isampa kay Sam dahil sa mga ginawa niya. Isa na doon yung pananakit niya kay Calli nung nasa puder pa niya. She can be sued for child abuse. And yung pamemeke niya ng DNA test results.

Natutulog ngayon si Amara at pinagmamasdan ko lang siya. She's gone through so much. Ako na ang bahala kay Sam. Responsibilidad kong ingatan ang pamilya ko and I think it's time to do my part.

Tulad ni Amara, gusto ko rin pagbayarin si Sam sa lahat ng ginawa niya. Pero I've been asking myself, kung alam niyang si Calli si Isabella, then may kinalaman ba siya sa nangyaring pagsabog sa building noon? Or atleast alam ba niya kung sino ang may pakana n'on?

~~~~~~~~

A/N: Sorry po, medyo natagalan. Namemental block po ako at nakatitig lang sa drafts. Hahahaha. Pero ayan medyo sabaw.

Thank you sa paghihintay at pagbabasa!!!



Sa Bawat ArawWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu