DG XXXVII

3.8K 96 33
                                    







Lumala ang cancer ko sa mata. Kumalat pa rin ang cancer cells sa utak ko dahilan para makaranas ako ng matinding sakit sa ulo. Di lang yun, I also experienced memory loss, changing of personality at seizures.






Pabalik-balik ako sa ospital. Di naman ako pinapabayaan ni dad lalo na ni Celine. Palagi silang andiyan para sakin.





"I don't wanna die" sambit ko sa mahinang boses.





"Baby...walang mamamatay, okay?" The doctor told dad and Celine na this kind of cancer is rare. 7 out of 10 daw na tao na may medium sized eye melanoma ang mabubuhay ng at least limang taon. 5 out of 10 naman sa large sized eye melanoma. I have medium sized eye melanoma so there's a big chance for me to survive. Kailangan ipagpatuloy ang treatment dahil sa oras na kumalat pa ang cancer sa liver and lungs ko, the life survival is under 1 year.






I did some therapy such as Chemoradiation. It's a treatment that combines chemotherapy and radiation therapy.







It took me months to fully recover from the therapy.





Ipinagdarasal ko na lang na maging okay ako balang araw. Thankful din ako kasi kahit papano hindi nawala ang vision ko.





Unti-unti din ako nakaranas ng pagkalagas ng aking buhok.







"Mahal mo pa din ba ako?" I asked Celine, one time.






"What do you mean? Of course. Mahal pa din kita..." nilapit niya ang mukha niya sakin "and never nawala ang love ko para sayo" sabay halik sa labi ko.





"Kahit na..." Napatingin ako sa taas. Napatingin siya sa ulo ko.






Ngumiti siya sakin "kahit kalbo ka na..." ipinatong niya ang kamay niya sa ulo ko saka marahan na hinimas ito na para bang may buhok ako "mahaaaaal pa din kita"






Napangiti ako sa kanya "don't worry. Babalik din naman ang buhok mo, okay?"





Months and years have passed. I can say na umuokay na ang kalagayan ko. Tumutubo na rin ang mga buhok ko sa katawan.






Sa loob ng ilang years ay pabalik balik ang cancer ko. Yung mamatay ito and then ilang months lang ay bubuhay ulit but I feel happy and hopeful kasi never akong pinabayaan ni God. Di naman nawala yung tiwala ko sa kanya. Celine always told me to have faith in him, na kahit anong mangyari manalig lang ako sa kanya.






"Happy Birthday, baby ko" naghanda sina Celine kasama sina Ate Yves and Kuya Dior para sa birthday ko. Kasama din nila si dad, madam V and Calvin.






"Happy Birthday, baby girl" bati nila sakin.





"Happy birthday, Chanel" si Calvin. He kissed the back of my hand.




Inalis naman ni Celine ang pagkakahawak ni Calvin sa kamay ko "tama na nga yan. Sinasamantala mo ang pagkakataon eh"






"Sus. Selos ka pa din sakin?"






"Di ako nagseselos ah"




"Naku, baby girl ayan na naman sila" komento ni Ate Yves.





"Tumigil nga kayong dalawa. Baka mastress lang baby girl namin eh" sabat naman ni kuya Dior.




Napangiti na lang ako sa kinilos ni Celine. Nagseselos pa din siya kay Calvin kahit kami na at mahal ko siya. Nakakatuwa lang hehe.






Daddy's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon