DG V

3K 108 34
                                    






"O, kain lang ng kain ah! Sagot ko lahat ng to" sabi ni chanel.





"Naku, chanel. Sigurado ka sagot mo? Baka mamulubi ka niyan after ng dahil samin ah" biro ni yves na ikinatawa ng lahat maliban sakin.





Wait, sagot niya ang foods namin? Doesn't she need money? Kaya nga siya nagtrabaho sa bar diba para magkapera. Eh mukhang di naman ata kailangan ng batang to ang pera. Nanlibre pa eh.







"Celine, kain ka pa. Wag ka mahiya" saad ni chanel.






I slightly smile at her. Kaharap ko siya sa table.






"Ikaw din kid damihan mo pa ang kain para tumaas ka pa lalo" pabiro kong sabi.





She scoffed "di ako maliit, matangkad ka lang talaga" sabi niya na nagpakunot ng noo ko.





"Wala naman akong sinabing maliit ka ah. Ang sabi ko kumain ka ng madami para mas lalo ka pang tumaas" diin kong sabi ng maintindihan niya.







"Parang ganun na din yun" depensa niya.





"Basta wala akong sinabing maliit ka" napabuntong na lang siya ng kanyang hininga saka ako tiningnan sa mga mata at mataray na hinawi ang buhok niya sa side.





Ang sarap naman asarin ng batang to haha. Well, to be honest di naman siya masyadong maliit. I think tama lang yung height niya sa edad niya. Hanggang balikat ko siya actually.







Masaya kaming kumain habang nagkukwentohan. Infairness kay chanel, kaya niyang sabayan kami kahit bago lang siya at di pa niya kami ganun kakilala.







Pagkatapos naming kumain ay nagpasya na ang lahat na umuwi lalo na tong si chanel kasi may pasok pa daw siya bukas ng maaga.







"Wait? Pano kayo?" Tanong ni chanel samin ni dior.






"Ay naku andiyan lang yung bahay namin sa malapit" sagot ni dior.








"How about you?"






"Magjejeep na lang ako. Tsaka hatid naman ako ni dior sa sakayan eh"






"Yup" nginitian ko siya.






Si yves kasi sumabay na kay madam V since iisang route lang naman sila tapos sina calvin naman nauna na kasama ang tatlo niyang kabanda. Kaya kami na lang ni dior at chanel ang naiwan.







"Kung gusto niyo hatid ko na lang kayo"






"Wag na kid. Diba may pasok ka pa bukas" paalala ko sa kanya.







"Oo nga cha. Kaya na namin to ni lin" pagsang-ayon naman ni dior.







"No, I insist. Isa pa, take it as my way of thanking you dun sa pagtulong mo sakin nung nalasing ako"





Nagkatinginan kami saglit ni dior. Tinangoan naman niya ako ng kanyang ulo, telling me na pumayag na lang ako. Napabuntong ako ng hininga.





Daddy's GirlWhere stories live. Discover now